Chapter 37

2.2K 32 0
                                    


I am in the room right now. Hindi ko alam kung bakit nandito ako at takot na akong lumabas. Hindi na ako nagtanong kung bakit ito hindi masaya at agad ko na itong iniwan at nagkulong sa kwarto. Ayaw ko nang mahulog sa patibong nito. Alam ko namang masaya ito sa piling ng kanyang asawa at mga anak. Alam kong paiikutin niya lang ako tulad noon. Alam kong may plano ito, kaya niya ako dinala rito.

Hindi na ulit, Raven. Hindi ko kailangan maging mahina dahil may anak ako. Kawawa naman anak ang ko, wala na nga itong ama tapos hindi pa nito naramdaman ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang ina. Kung hindi siguro ako buntis kay Simone noon, baka nawala na ako sa sarili o baka ako pa maghabol kay kamatayan.

Kaya masasabi ko talagang ito ang aking munting anghel. Ito ang nagbibigay ng lakas sa akin na lumaban sa magulo kong mundo.

Bumalik ako sa aking sarili nang makarinig ng katok. Tumayo ako at binuksan ito. Nakita ko si Raven at nginitian ako saka pinakita ang pagkain. Kung titingnan mo siya ay parang wala itong sinabi kanina na nagpapagulo sa utak ko.

"Salamat, pero hindi ako gutom," walang gana kong sabi rito.

"But you need to eat, Freyja."

Napasimangot ako nang kukunin ko na sana ang pagkain, pero nilagpasan ako nito at tuluyang pumasok sa kwarto. Napakunot ang aking noo habang nakatingin kay Raven. Hindi ba nito gets na iniiwasan ko siya?

"Ilagay mo lang d'yan, tapos lumabas ka na," utos ko. Pero sadyang matigas talaga ulo nito at umupo ito sa kama, na parang walang narinig. Sana hindi nagmana si Simone sa kanya. Baka sasakit ang ulo nang nag-aalaga nito.

Nagsimula na lang akong kumain baka kapag natapos ko ito ay aalis na ito. Minsan sinusulyapan ko ito habang abala siya sa kanyang cellphone. Baka ka-text nito ang asawa upang magpaliwanag sa hindi pag-uwi.

"Hmmm... tanong ko lang, kapag naglagay ka ng password sa mga personal na gamit mo, anong gagamitin mo?" nakangiti kong tanong. Sana huwag mahalata itong galawan ko.

Nakita kong inalis nito ang atensyon sa kanyang cellphone at tumingin sa akin.

"What do you mean?" Nakakunot ang noo. Mukhang hindi nito makuha ang ibig kong sabihin, halatang-halata sa mukha nito.

"Ano ba 'yan, slow naman," biro ko para hindi mahalata. Pero nakaramdam na ako ng labis na kaba. "Example naglagay ka ng password sa mga ATM, cellphone, laptop, o sa mga personal things mo. Ano ilalagay mo?" nakangiting tanong ko sabay subo ng pagkain.

"Hmm... weird. Bakit mo natanong?"

"Ay, KJ naman. Para namang may topic tayo. Duh!" Inirapan ko ito. Sana effective na palusot ko. Hindi ko talaga 'to talent, siguro si Mal, kayang-kaya 'to.

"Birthday... para madaling matandaan," naguguluhang sagot nito. Iniisip nitong tama ba ang sagot nito. Nakahinga ako nang maluwag nang kumagat ito sa topic ko.

"Mo?" tanong ko rito sabay turo sa kanya.

"What?"

"I mean, your birthday?"

"No." Tiningnan ko naman ito ng masama. Ang sarap kausap talaga, kung wala lang akong kailangan baka nasungitan ko na ito.

Kalma, Freyja!

"Alam mo minsan, ang sarap mo ring kausap, 'no?" pilit kong tinatago ang inis na aking nararamdaman. "Para may topic nga, 'di ba? Kesa naman mapanis ang laway natin dito. Duh!" Inirapan ko ulit ito.

"I'm a little bit confused by your question. It's strange for us to bring it up," he said.

"C'mon, para may topic nga, 'di ba? Anong gusto mong pag-usapan natin? Favorite food mo na alam ko. O baka naman sex life mo? Ganoon ba?" paghahamon ko sa kanya.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon