AllisonHinihingal akong napaupo pakiramdam ko mahihimatay ako dahil sa sobrang init ng araw. Lumingon ako mula sa likod at agad nagpakawala ng buntunghininga ng makitang wala namang nakasunod sa akin.
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar wala pa din itong pinagbago. Mga nagkalat na tuyot na dahon at ilang talutot ng bulaklak, naglalakihang puno na nagsisilbing panangga sa mataas na sikat ng araw. Bahagya pa akong tumingala upang tignan ang kalangitan. Napangiti ako ng makitang walang ulap na akala kong sumusunod sa akin noong bata pa ako. Tanging asul na espasyo lang ang nakikita ko at ang araw na nagsusumigaw sa liwanag.
"Walang pinagbago yung lugar, katulad pa din ng dati. Ang pinagkaiba nga lang noon dalawa pa tayong nandito .. ngayon mag isa na lang ako." Mapait akong napangiti at agad naupo sa ilalim ng punong mangga.
Inilabas ko ang isang libro galing sa bitbit kong bag. "Peter Pan" mahina kong basa. "Sabi mo gusto mong basahin to diba? Dinala ko talaga to para sayo .. kahit alam kong hindi mo na mababasa" masigla kong sabi kahit alam kong wala naman siya. Hindi niya ako maririnig.
Minsan ganun naman talaga diba? Sumisigaw ka kahit alam mong hindi ka niya maririnig. Nagmamahal ka kahit alam mong hindi ka niya mamahalin pabalik. Puso eh. Kahit ano pang sabihin nilang paganahin mo ang utak mo kapag nagmahal ka wala pa din. Kapag nasa sitwasyon ka na yang utak mo parang makinang biglang titigil sa pag proseso.
"Lumabas ka na diyan ! Pagalitan mo ko kasi nag tresspassing ako !" Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko para akong tanga na nakikipag usap sa hangin. Mariin akong pumikit, bakit ganun? Bakit kailangan maiwan ng mga alaala bakit hindi na lang sila kasamang mawala ng taong alam mong hindi na babalik?
Bakit may mga alaala pang maiiwan para lang naman saktan ka?
"Tinanong mo ko di ba? Bakit mas pinili ni Wendy na umalis at iwan na lang si Peter Pan kesa sumama dito .. ang totoo niyan hindi ko talaga alam. How will i know? Hindi naman ako si Wendy diba?..." pinunasan ko ang luhang nagsisimulang tumulo mula sa aking mata ramdam ko ang panginginig ng labi ko pero nagpatuloy pa din ako sa pagsasalita "...pero isa lang ang naisip ko baka .. baka kasi ayaw niyang bigyan ng masakit na alaala si Peter kung tatanda at mamatay siya mag iiwan siya ng masakit na alaala sa harapan ng taong mahal niya."
Nagsimula ng tumulo na parang gripo ang luha ko, walang patid kahit anong gawin ko katulad ng emosyong nararamdaman ko ngayon. And then a thousand memories hits me like a tidal wave.
Kasabay ng pagpikit ko ang pagbalik sa nakaraan na hindi ko makakalimutan. Alaala? Ito ung mga bagay na gustong gusto mong balikan kahit alam mong masasaktan ka lang.
--
Short Story <3 Whirlwind romance :) @wonderelle
BINABASA MO ANG
Summer Love
RandomOneShot. When summer comes and the heat will wave to us. Will you dare to fall inlove?