of stolen glances and unsung rhythms

118 13 16
                                    

of stolen glances and unsung rhythms

| a son and kei from linda linda linda (2005) fanfiction


"Lagi kitang nakikita sa bus, actually. Hindi mo ata ako napapansin."

Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukote niya't hinayaan niyang sabihin iyon nang malakas. The least thing that Son would want Kei to think was: she wanted Kei to notice her too. As if kasalanan nito na napapansin niya ang presence nito sa bus, kahit ilang seats ang pagitan, at sakaniya ay hindi.

Sino ba naman siya? Sino ba naman siya. Sino ba naman ako. Sino ba naman ako? Si Son, si Son lang. Iyong bagong recruit sa banda dahil no choice.

Kita niya ang pag-awang ng labi ni Kei habang hindi pinuputol ang eye contact nilang dalawa. Son was internally screaming- like screaming. Gusto na nga niyang lubusin 'yung chance na natititigan niya nang ganoon kalapit ang mukha ng ever mailap na gitaristang si Kei.

Unti-unting lumitaw ang ngisi sa labi nito. "Pansin kita, ah."

Napakurap siya nang dalawang beses, mabagal ang pagitan. Bago pa mabigyan ng chance ang katabi na makita ang pamumula ng mukha niya, umusog siya nang umusog, hanggang napunta na siya sa dulo ng bench. Bakit ba kasi parehas sila ng daanan pauwi? Ayan tuloy, silang dalawa lang ang nakaupo sa bus stop habang bumububos ang ulan.

"Bakit ka umuusog?"

"A-ang init, eh. Di mo feel?"

Bahagya itong natawa. "Umuulan, Son."

"Kita ko nga, Kei."

Gusto niyang sabihin, at baka nga kung nawalan siya ng kontrol sa bibig ay nasabi na niya, "Gan'yan ang epekto mo saakin."

Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait para sabihin iyon kay Kei. Lalo pa't dalawang araw na lang, sasalang na ang banda nila para sa school fest. She wouldn't dare to annoy Kei, bonus na ngang nakakausap niya na ito after four long years (aka: since freshmen days), and kick her out of her dream band.

Bukod sa gusto niya talagang kumanta sa entablado.

Hindi na umimik pa si Kei. Panakaw niya pa itong sinulyapan. Nasa harapan ang tingin, binibilang pa ata ang patak ng ulan, nakakunot noo at mukhang malayo ang nililipad ng isip.

Hay, Kei.

Ganoon ang cycle ng hapon niya simula nang i-recruit siya nito sa banda. The sun setting would indicate the only time she could enjoy few stolen glances and a small talk with her ultimate crush Kei. Sapat naman na iyon dahil sa buong maghapon, magkasama naman sila para mag-practice. Iyon nga lang, hindi sila nagpapansinan maliban kung mali ang pasok niya (na sapat din naman sakaniya, weird).

Until the day of their performance came.

"Kei, saan ka? Magsisimula na tayo uy!" tanong ni Rinko, bassist nila, nang mapansin ang pagtayo ni Kei. Sinundan niya ito ng tingin.

Mukha itong kulang sa tulog, nananaba at nangingitim ang ilalim ng mga mata. Pansin din nilang lahat na kanina pa ito wala sa mood dahil madalas magkamali sa timing. Kanina pa rin sila paulit-ulit simula umpisa.

Kei took a quick glance at her, then Kyoko, before answering Rinko. "Sa restroom. Maghihilamos. Ang sakit ng mata ko."

Tumahimik ang buong music room pagkalabas ni Kei. Kyoko, their drummer who's sitting closely beside her, uttered, "Nyare?"

Parehas sila ni Rinko na napaangat ng balikat at umiling sa pagtataka.

Sigurado siyang simula nang late silang dumating ni Kyoko, nasira na ang mood ni Kei. Dumaan pa kasi sila sa mga food stalls para bumili ng lunch nilang lahat. At pagkapasok na pagkapasok nilang dalawa sa music room, matalim na tingin ni Kei ang sumalubong sakanila.

of stolen glances and unsung rhythmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon