━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-SEVEN
wandering to be found
━━━━━━━━━━━━━━━━While growing up, I've always noticed how reputation and power fuels people to live in a facade of someone they are not. What they do not know is that reputation doesn't precede character. Sometimes, you are not your reputation.
Reputation, after all, is how people see and commend the things you did. The things that are good deeds in their eyes, of course. So, in honor of that praise, it was as if the reputation a person showed them is something they should live upon their whole life.
Dapat kang magpakita na ganito ka para sa reputasyon mo kahit na hindi naman ganyan ang natural mong pagkatao.
A clean reputation and power is something that many people thrive so hard for. That even if they're trampling on somebody else's life, nothing will matter more than what they'll acquire from beautifying what's rotten inside.
'Yun din ang isa sa mga dahilan bakit nasira ang pamilyang kinalakihan ko.
Reputation and power means so much to them. Kung marumi ang pangalan nila ay parang isang malaking dagok na 'yun sakanila habambuhay. Kaya kahit makasira sila ng pangarap, tao, at mismong pamilya nila, wala silang pakialam basta lang malinis ang apelyido nila.
I've been blind. Ni hindi ko naisip gaano kaimportante sakanila ang apelyido nila noong nabuntis pa lang si Aya. Na kahit maagrabyado si Aya sa kamay ng tatay-tatayan niya't pinatuloy nito ay wala lang sakanila basta ba malinis ang lahat. Ni hindi nila kinasuhan 'yung lalaki kasi madudungisan ang pangalan nila kung ganu'n.
I've been thinking about it a lot for almost a month na pinutol ko ang koneksyon namin ni Gazer. Hindi ko alam paano haharapin ang lahat. Para akong nablangko bigla. And this isn't just me, but I don't know... I'm too lost to even think things through. Ni hindi ko maisip kung paano ko haharapin ang kumpanyang ibabalik nila sa'kin.
"Aster... you need to eat. Namamayat ka na 'o. Masakit pa ba ang ulo mo? Nasusuka ka pa? Ilang araw ka ng andyan sa kama."
Naputol ang pag-iisip ko bago ako napalingon kay Paris na nakatingin sa tray na nilagay niya sa side table ng kama ko kaninang umaga. Walang bawas ang pagkain do'n kaya ngumiti lang ako bilang paumanhin. Ang kapal ba naman ng mukha kong tumira rito sakanya ilang linggo na ang nakararaan tapos hindi ko kinakain ang niluluto niya.
'Di bale na, aalis din naman ako para bumalik sa Las Enamorada sa susunod na linggo. Doon na ako mamamalagi sa chatel na katabi 'nung kay Ashton.
"Ayos na ako. Atsaka ayoko kumain kasi sinusuka ko lang naman 'yung kinakain ko. Pasensya ka na, Par. Hindi naman sa hindi maganda ang luto mo pero..." Mahina kong bulong bago umayos ng sandal sa kama, "Ang sagwa kasi ng itsura."
Sinulyapan ko ng tingin ng pagkain at napatakip ng bibig nang maduwal ako.
Taka siyang napatingin sa itlog at kanin, "Hindi naman, ah? Hindi naman siya sunog. Masarap naman ako magluto nito."
Napangiwi ako, binaba ko rin ang kamay at iniwasang tignan 'yun uli, "Ewan ko. Para akong naaasiwa sa itsura niyan mula pa noong isang linggo."
Napatingin siya sa'kin, kinikilatis ang kabuuan ko bago bumuntong-hininga.
"Actually, I have something for you especially about that." Mahina niyang bulong bago nilabas ang isang poyo na hindi ko alam anong laman.
BINABASA MO ANG
Boulevard to Polaris (Virago Series #1)
Romance━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra told by many. Aster Ray Madrigal emboded that. She is forever an embodiment of perfection, like a star to gaze upon. Beauty, brains, sophist...