"tharie!" sigaw ni nanay mula sa sala.
"oh barbielat ko... jan ka muna ah? wag kang aalis jan" bulong ko sa aking barbie na si barbielat bago puntahan si nanay sa sala.
ng makarating sa sala ay nakita ko si nanay na nanonood ng tv kaya agad ko itong nilapitan.
"bakit mo po ako tinawag nanay? pinapaliguan kopa po si barbielat eh, mabaho na ang pepe nya.." aniya ko sabay ngiti.
totoo naman kasi na mabaho na ang pepe ni barbielat.
"hay nako anak.. ay oo nga pala" sabi ni nanay at tumayo, mukhang may kukunin.
napaisip naman ako kung anong ginagawa ni barbielat.
hala! baka tumalon sya sa tabo! baka mamatay si barbielat!
nanlaki ang mata ko sa naisip kaya bigla akong napadasal.
oh jusko po panginoon gabayan nyo po si bar--
naputol ang pagdadasal ko sa isip ng tumikhim si nanay, mukhang nagtataka sa ginagawa ko.
"ay hehe.." sabi ko at pinilit na tumawa.
"anong ginagawa mo anak?" nakangiting tanong nya.
"nanay pinapagdasal kopo si barbielat kasi baka tumalon sya sa tabo at mamatay" nakanguso kong sabi at kinamot ang ulo.
napatawa naman si nanay sa sinabi ko kahit walang nakakatawa.
di kaya ay baliw na si nanay? aba hindi!
"bakit po nay? corcended lang naman po ako kay barbielat.." mahina kong sabi.
mahal na mahal ko kasi si barbielat eh... regalo sya sa akin ni tatay bago sya pumunta sa ibang bansa.. hayyyyy.
"anak alam ko yon, atsaka concern yun nak hindi corcended" sabi nya at kumuha ng mangkok.
hindi ko naman alam eh.. atsaka para saan naman gagamitin ni nanay yung mangkok?
pumunta naman si nanay patungo sa kusina kaya umupo muna ako sa sofa at nanood ng dora.
nakakainis na si dora! ang tanga tanga!
alam kong bad yon pero tanga talaga si dora haha.napatingin ako sa gawi ni nanay nung bumalik ito na may dalang mangkok na may lamang sinigang na hipon.
"nay para san po yan? diba kakakain lang po natin?" takhang tanong ko kasi kakakain lang namin kanina bago ko paliguan si barbielat.
napatawa ito. hala, nagiging madalas ang pagtawa ni nanay kahit hindi naman ako nagbibiro ah? hm.....
"hindi anak, para to doon sa bago nating kapitbahay" sabi nya at inilapag ang mangkok sa lamesa.
"ah okay po" sagot ko habang tumatango.
"anak pwede pakibigay ito? bibigyan ko din kasi si aling martha." sagot naman nya.
bakit pati si aling martha? eh ang bad bad non eh. sinasabihan nya pa nga na supot si natoy, yung anak nya.
hindi ko nalang tinanong si nanay tungkol don at nagsimula ng tumayo at kinuha ang mangkok.
"nanay ano pong pangalan nung bago nating kapitbahay?" tanong ko bago lumabas.
"geronima anak" sagot nya naman. ay wow! pak na pak ang pangalan ni aling geronima! pang mayaman.
sinuot kona ang barbie ko na tsinelas at naglakad na parang nag momowdel hehe.
tinahak kona ang daan papunta sa bahay ni aling geronima at ilang saglit lang ay nakita kona ito. alam ko ang daanan papunta dito kasi ito lang naman ang ipinapaupahan dati.
maganda ang bahay nila. kulay brown ito na parang chocolate na may halong puti at sakto lang ang laki para sa isang pamilya.
magkasing laki lang din ang bahay nila sa bahay namin pero ang kulay naman ng bahay namin ay parang abo na may itim. si tatay kasi ang pumili.
kinatok ko muna sila at wala pang tatlong katok ay bumukas na ito.
lumabas dito ang isang batang lalaki na pogi! mas pogi pa kay ken ng barbie!
nanliit ang mata nito nung makita ako. luh, ang sungit naman nito... naka boxer naman na may barbie design.
hala! may ganon pala? barbie na boxer?
atsaka kala ko mga spiderman, super man, ben10 ang mga gusto nito pero... nagkakamali ako.
"hi.. h-hehe? san po s-si aling g-geronima?" utal ko na tanong. pano ba naman kasi! sobrang taas ng kilay parang papunta sa langit!
"why?" tanong nya habang nakataas parin ang kilay.
hala wag mong sabihin na sya si a-aling geronima?!
"ikaw b-ba s-sya?" nanlalaking mata na tanong ko.
natawa naman ito kaya napatitig ako sakanya.. ang pogi talaga nito! crush ko na ata sya, ayaw kona kay ken.
"no, she's my mom." sabi nya naman at napansin kong nakababa na din ang kilay nito.
engleshero pala to.
napatango naman ako sakanya at inilahad ang kamay na may mangkok na naglalaman na sinigang na hipon.
"ah eto nga pala.. sinigang na hipon bigay ni nanay.. whelkam nadin" sabi ko at tumakbo na.
narinig kopa ang sigaw nya pero hindi kona sya pinansin.
nandito na ako sa higaan at nakahiga habang katabi si barbielat. tapos kona syang paliguan at buti naman at hindi sya umalis hay...
iniisip kopa rin yung batang lalaki na yon na naka barbie boxer.. ang cute talaga nya kahit masungit.
inantok na ako kaya kinumutan kona ang sarili pati si barbielat at natulog na.
~
hope you like it! votes and comments are highly appreciated!
-shesnotmisty