Chapter 48
Race
Napaupo ako nang makatungtong sa finish line. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Pinagpagpag ko ang damit ko. Wearing my yellow off-shoulder top and white jeans, I stood up and looked at him while wiping the sweat off my face.
"Sana pala sinama natin si Tita," pangtutukoy ko sa mama niya.
Kumunot ang noo niya.
"Bawal mapagod si mama."
"So kung gano'n..baka nag aircon sila kaya 'di siya napagod at ilang rounds pa siguro 'di ba?" diretso kong ani.
"Calla, your words please," sabay pikit ng kanyang mga mata.
Umismid ako. "So, what? It's credible...duh! It's just normal. Both of us are open-minded."
"Yes, we are, but please don't talk like that especially when we are in front of the kids."
Humaba pa lalo ang nguso ko. "Ang O.A."
Tumayo ako at tinaasan siya ng kilay.
"Tara takbo!" aya ko sa kanya.
Hindi pa siya nakasagot ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Lumingon ako sa pwesto niya pero wala na siya roon kung 'di nasa likod ko na. Tumakbo ako kasabay ng pag-ihip ng hangin. Natawa ako nang hindi ako makatakbo nang malakas. Sa halip ay isang kamay ang nakapag-paangat sa akin sa ere.
"Paul!" awat ko sa kanya.
He chuckled and he turn me around. Namataan ko si Mommy na natatawa sa'kin habang may dalang pagkain patungo sa kubo. Binaba ako ni Paul at inayos ko ang sarili habang tumugon sa pwesto ni Mommy.
"Mommy, tulungan ko na kayo," pagprepresenta ko.
Nilapag niya ang pagkain at tiningnan ako.
"You should enjoy your moment with him. Good to hear that you are back together."
"Hindi pa kami...ulit," sabay kagat ko ng labi.
"Diyan lang din 'yan papunta. Take your time," sabay kindat ni Mommy.
Daddy cleared his throat. I smiled at him.
"I wanted to meet your parents, Paul when you are back together. I wanted to punch you before when I thought you abuse her love." He clasped his hand. "Marami ng kahihiyang ginawa 'yan, tanggap mo ba?"
"I accepted her being like that, Tito." Paul chuckled. "I can bring my parents here. I'm sorry for the error with us tito. I can't promise but I will do it by effort."
Tinapik ni Daddy ang balikat ni Paul.
"Mabait naman ang anak ko. Pero mas maldita," natatawang ani ni Daddy.
Umismid ako. "So annoying, Daddy."
I crossed my arms as Mommy invited us to eat.
"Kain na nga kayo, Calla," Mommy said it again.
Hinila ako ni Paul at umupo sa gitna nina Mommy. Mommy then laughed while Daddy shook his head.
"We are lucky that our baby is in good hands. I hope you will not make her cry soon," Mommy said while picking a watermelon. "Mahal ka niyan, noon pa."
"Stop it, My!" sita ko sa kanya na kinatawa ni Paul.
"Don't be shy anak. Kailangan kang makilala ng lubusan ni Paul. Minsan ay kailangan ni'yo ring mag-away para mapagtibay ang relasyon ni'yo. But always remember that still conceal after the fight."
BINABASA MO ANG
Home of Hopes (Caledonia Series #1)
Teen FictionStatus: Completed Genre: Teen fiction and Romance. Posted: September 8, 2021 - January 21, 2023 Things are unexpected. People will come and go, but the truth is that when you don't want that person in this certain place and time...he will come. •Cov...