Simula nang matanggap ni Alex ang sulat, wala na itong bukambibig kundi si Bea. At hindi na natutuwa pa si Toni.Pagdating ng Lunes, hindi na siya nito sinundo sa classroom niya para sabay mag-snack tulad ng dati. Ang kaklase at kaibigang si Trisha ang kasabay niya sa canteen. At ang nakakagulat ay ang makita ang bestfriend niya na kasama sa mesa ang crush nito.
Tila napako siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa mga ito, masayang nag-uusap. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa nararamdaman. Basta alam niya, tila sasabog ang dibdib niya.
"Hindi ako nagugutom, Toni," hila ni Trisha sa kanya nang makita ang reaksyon niya. "Magpapahangin na lang tayo sa labas."
Walang lakas na nagpahila siya rito. Ang bigat ng mga paa niyang sumunod rito palabas ng canteen. Hindi niya nga alam saan siya nito dinala. Naramdaman nalang niya ang pagpahid nito sa pisngi niya. Saka niya narealize na umiiyak na pala siya. Nakaupo sila sa likuran ng isang classroom na hindi masyadong kita ng ibang estudyante.
"Tama ako sa sinabi ko, diba? May gusto ka kay Alex," anang katabi.
"It's not right to like her, Trish. Pareho kaming babae," ani Toni, na puno ng pag-aalala.
"Kung ganun, bakit ka nasasaktan? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Trisha, na puno ng pag-unawa.
"Dahil for the first time, nakalimutan niya ako. We've been together all the time since we were kids. Pero ngayon, dahil lang sa ibang babae, nakalimutan na niya ang bestfriend niya," paliwanag niya, ang boses ay nag-uumapaw ng lungkot.
Hindi sumagot ang kaibigan. Tila nauunawaan nito ang bigat ng kanyang mga salita.
"Masaya siya kasama si Bea," dugtong niya.
"Toni, mga bata pa tayo, pero hindi mo maitatanggi na may gusto ka kay Alex. Sabihin mo mang hindi totoo, o hindi pwede, pero yun ang totoo."
Umiling ang dalagita. "I'm hurt because she is my bestfriend, and I don't want to lose her."
"Hindi naman siya mawawala eh. Kung nagkakagusto man siya sa iba, support mo nalang. Wala ka namang pagtingin kay Alex, diba?"
Tumango siya, ngunit ang puso niya ay naguguluhan.
"Yun naman pala eh. Crush niya yung Bea na 'yun, eh di hayaan mo na. Hindi naman ibig sabihin noon na ipagpapalit ka na bilang bestfriend."
Marahil ay tama nga ang kaibigan. Mawawala rin itong sakit na nararamdaman niya ngayon. Matatanggap rin niya na magkakaroon na siya ng kahati sa atensyon ni Alex.
---
Nakaupo si Toni sa harap ng computer nang marinig ang pamilyar na tunog ng gitara. Napangiti siya nang maisip na hinaharana siya ni Alex, kaya tumayo agad siya at dali-daling lumabas ng bahay.
Mula sa bakuran ng kapitbahay ang tunog ng gitara, at abot tenga na ang ngiti niya nang marinig ang boses ni Alex na kumakanta. Napawi na ang sama ng loob niya rito dahil sa nakita kaninang umaga sa school.
Lumabas siya ng gate at sumilip sa gate ng kabilang bahay.
Ngunit nawala ring bigla ang ngiti niya sa nakita. Nasa patio si Alex, nakaupo at tumutugtog ng gitara habang kumakanta. At kaharap nitong nakikinig ay si Bea.
Hindi niya kayang pagmasdan kung paano magtinginan ang dalawa. Ang saya at saya na tila nagliliyab sa kanilang mga mata habang nag-uusap.
At paano nangyaring bisita agad nito ang babae gayong kanina lang sila personal na nagkakilala?
Hindi siya makapaniwala. Lahat ng naisip na pag-unawa para rito ay nawalang bigla. Ni hindi man lang siya nito naisip na puntahan o kausapin man lang at kamustahin.
BINABASA MO ANG
𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️🌈𝐆𝐱𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦#𝟭 COMPLETED "You are the girl that i've been dreaming of, ever since i was a little girl." #𝒈𝒙𝒈 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈