"Di ko namang kinalimutan na MAHAL KITA, mas inalala ko lang naman na MAS MAHAL MO SIYA."
--Bob Ong
~
Huling Kabanata
( Saturday, 19 November 2011 at 12:35 )
Natuto na ako sa mga pagsubok,
iniatas sa akin upang makamit ang tuktok.
Pero totoo nga ba ang lahat ng ito?
O isa pang kabanata na puno ng biro?
Pinipilit ko na maging masaya
upang makalimutan ang pagibig sa’yo sinta.
Makakatulong nga ba ito sa akin,
sa mga problema na aking tatahakin?
Dumating sa punto na ako’y nagsawa
sa pasakit na aking ginagawa.
Ano nga bang kawalan nito sa iyo?
Isa lang naman akong hamak na tuliro.
Papangako ko sa’yo na ako’y sasaya,
kahit di ka man kapiling sa twi-twina.
Pinapangako ko sa’yo ako'y maglalaho
upang di ko maipakita ang sakit na tinatago.
Kahit na masakit sa akin na makitang kasama siya,
ano pa nga ba ang aking magagawa?
Kung sa kanya ka man sasaya,
ako’y labis na magiging maligaya.
Wala na siguro akong hihilingin pa.
Ano man ang aking dinanas ay sapat na.
Isa na lamang ang aking daing,
maging masaya ka sana sa kanyang piling.
Makalimutan ka ang tanging inaasam,
iyan lang sa ngayon ang aking alam.
Nais ko na sanang lumisan,
kahit na ikaw ang gusto kong makamkam.
~
Letting go is not an easy task :)