Chapter 8

1K 26 0
                                    


"Good morning anak. Ang aga mo ngayon?" Pagpasok ni mama sa kusina.


"Body clock ma, feel kong mag luto ng escabetche ngayon." Maaga akong nagpunta sa palaisdaan kanina para mamili ng preskong isda.


"Asus, baka wife material yan, hands on sa mag-ama?" My mother really like teasing me, kung di ko lang talaga nanay 'to baka nasabunutan ko na talaga sa inis.


"Stop giving malice to my actions ma." Mahina kong sambit.


"Wala naman akong sinasabi ah? Defensive ka anak?"


Tinikom ko nalang ang bibig ko at nag focus sa pagluluto. Lumabas si mama at nagpunta sa garden.


Few minutes after, napasinghap ako ng may mabangong naamoy. Sininghot-singhot ko iyon at napalingon bumungad sa aking harapan si Sandriel na bagong ligo. Nagulat ako at napaatras kaya nadikit ang kamay ko sa kalan, napaso ako at napahiyaw ng mahina.



Agad akong hinila ni Sandriel sa lababo at hinugasan ang kamay ko.


"Ayos ka lang ba?"


Natameme ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. His palm is calloused and rough, talagang panglalaki. Kakaiba ang dulot nitong dala sa balat ko. What's wrong with me? Agad kong binawi ang kamay ko pero agad din niyang hinuli.


"Reckless, tsk." Hinipan niya ang kamay ko na may paso. His warm breath penetrated my bare skin giving me a comforting feeling.


"Ikaw naman kasi, ginulat mo'ko." Ngayon ko lang napansin na nakapambahay lang pala siya. He's wearing a sando and a shorts. Simple look pero gwapo at attractive.


"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?"


Pinalo ko siya ng mahina sa braso, tila nawala ako sandali sa katinuan ng marinig ang halakhak niya. Did he just laugh?


"I'm just kidding. Pero alam ko, gwapo naman talaga ako."


Nalutang ako. It feels new to me. Di ko talaga alam kung may anong nakain ba si Sandriel? He's so weird, really weird.


Buong araw ay nag bonding lang talaga sila ni Sandriel at anak ko. Naghahagikhikan sila sa sala at ng mapagod sa kakalaro ay nanuod ng cartoons sa TV. Ang saya ni Aidan kasama si Sandriel. Hinayaan ko lang silang mag-ama na magbonding. Sinabi ko sa sarili ko na ngayon lang 'to, bibigyan ko sila ng oras na dalawa.


"Meryenda?" Inilapag ko sa mesa ang maruya at juice.


"Sige, salamat." Sambit ni Sandriel.


"Mommy, tito pogi is so fun to be with." Tuwang tuwa na saad ni Aidan. Ngumiti ako kay Aidan.


"I'm happy to hear that baby, maglaro lang kayo ni tito pogi mo, your tito ninong will be glad to meet your tito pogi." I unconsciously said.

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon