Chapter 12

1.1K 39 4
                                    


Napagtanto kong nasayang lang pala ang luha ko sa pag-iyak, early this morning Sandriel Altamonte was found in front of my house. Lasing at wasted. Ano bang nangyari sa taong 'to? 



"May problema ba si Sandriel bago siya umalis?" Tanong ni mama. Pinagtulungan naming alalayan si Sandriel kanina. This is not so him. Hindi ko pa nga talaga lubos na kilala si Sandriel. 



"Ayos naman kami." Namula ako ng maalala ang gabi bago siya umalis. "Wala naman siyang sinabi na problema niya, one thing I noticed, parang malungkot siya." Sagot ko kay mama.


"Alagaan mo muna yan. Magluluto lang ako ng sabaw." Sambit ni mama at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko ang basang bimpo at pinunasan ang mga pawis ni Sandriel sa katawan. 


Nagulat pa ako kanina nang paglabas ko ng bahay siya ang nakita kong nakaupo sa gilid at nakayuko. Iyon pala walang malay at lasing.


Gumalaw si Sandriel, umungol siya at pagkaraa'y nagdilat ng mata. 


"Sandriel, okay ka na ba? Bat ka naman kasi nag lasing, may problema ka ba?"


He looked at me and smiled weakly. 

"I'm sorry, did I cause so much bothering here?" Kahit bagong gising at galing wasted pero ang gwapo niya pa rin talaga.


"No, okay lang talaga. Good thing at dito ka nagpunta kesa naman kung saan-saan ka lang nawalan ng malay, at least dito safe ka."


"I should go now, my dad is probably looking for me now." Hindi niya ako pinansin, kinapa-kapa niya ang bulsa.


"Are you looking for your phone? I charged it. Wait lang, I'll just go get it for you." 


"Okay, thanks."


Kinuha ko ang cellphone niya na naka charge sa kwarto ko. Hindi na ako nagulat sa lockscreen niya dahil nakita ko na ito. Pagbalik ko sa guest room, wala na si Sandriel. Pumunta akong kusina at natagpuan siyang namamawis sa paghigop ng sabaw na hinanda ni mama para sa kanya.


"Sorry tita at nakita niyo ako sa ganitong lagay, I'm embarassed." Paliwanag niya at nilingon ako.


"Ayos lang, hijo. Ito pa humigop ka pa ng maraming sabaw para mahimasmasan ka." Sagot ni mama.


"Hindi ko lang talaga namalayan ang oras kagabi, napadami na pala ang inom ko. To be honest sa bar pa nga ako nakatulog at hindi ko na alam kung paanong nandito ako gayong di ko naman dala ang sasakyan ko." Paliwanag niya. Bat ba siya lingon ng lingon sa akin?


"Ay naku, hijo! Mabuti na lang at di mo dala ang sasakyan mo baka napano ka pa pag nag drive kang lasing." I silently nodded in the corner.


"Thank you tita and sorry narin sa abala." Mukhang tapos na siya sa paghigop ng sabaw dahil wala ng laman ang malaking mangkok.

Hiding the Professor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon