22
Nagmamadaling bumangon si Jc at ginising ang mahimbing na natutulog pang si Aleina. She checked the time at halos sigawan nya ang lalake nang makitang mag-aalas seis pa lang ng umaga. Pagkatapos nilang maligong dalawa at mag-ayos ay kinatok nila ang kwarto ng mga magulang ni Jc.
"Ma, we're so sorry. We just need to fix some things."
"So, you're such in a real hurry, anak?" tumango ito at saka nilingon si Aleina. "Aleina, I'll call you once you're done fixing your things."
Dali-daling binuhay ni Jc ang makina ng kanyang sasakyan at agad pinaharurot ito pauwi sa kanilang bahay. Hindi sila nag-usap habang nasa loob ng sasakyan dahil ramdam ni Aleina ang tensyon.
Agad na bumaba si Jc sa sasakyan at malakas na isinarado ang pinto na syang nagbigay-gulat sa tahimik na Aleina. She watched him entered their house, she took a deep breathe and followed Jc upstairs.
"Ano'ng problema at kailangan pa nating umalis sa bahay nyo?"
"Aleina, may dapat ba akong malaman sa kalokohang pinag-gagagawa mo?" he gritted his teeth making Aleina's heartbeats real fast.
"Wala. Wala naman.." tinalikuran nya ang nakaupong si Jc sa kama at saka nagmartsa palabas ng kwarto.
Sinundan sya nito sa kusina habang umiinom sya ng tubig. "Ano?! Wala ka ba talagang sasabihin sakin?!" hablot nito sa braso ni Aleina.
"Nasasaktan ako, Jc, ha! It's not as if I am having an affair with another guy, Jc! Relax, please?" tinapik nya ang kamay na nakahawak sa braso nito.
"Yung kasal." mahinahon ngunit matigas ang tono ng pagkakasabi nito.
"Kasal? Kasal nino?" halos manginig ang boses nya upang itago ang pagkakabuking nito.
"Ano? Pagtatakpan mo pa rin?! Alam ko na, Aleina! Alam ko na, na in two months time na ang kasal natin!"
Gulat syang napaatras dahil sa paninigaw nito sa kanya.
Hindi sya masaya? Bakit galit sya? Hindi nya nagustuhan? Sa anong rason?
"You're acting like you don't want the whole thing!" hindi makapaniwalang tanong ni Aleina.
"No..No, hindi sa gano--"
"I get it, okay? I get it, Jc!" tumakbo sya paakyat sa kanilang kwarto at hinanap ang susi ng kanyang sasakyan.
Kumuha sya ng cardigan at bumaba na, nadaanan naman nya sa sala si Jc. "Saan ka pupunta?"
"Babalik rin ako. But if you don't want me here, okay lang din na hindi na ako bumalik?"
"Ano na naman ba ya---"
Hindi na nya pinatapos ito at saka pinaharurot ang sasakyan papunta sa isang lugar kung saan mailalabas nya ang sakit na nararamdaman nya, kung saan tahimik syang makakaiyak at kung saan alam nyang may kakampi syang makikinig sa kanya.
Binuksan nya ang musoleo ni Allen at saka inilipag nito ang vase na may bulaklak, nagtirik din sya ng kandila at nagdasal. Umupo sya pagkatapos at saka nag-umpisang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha nya.
"Hi." bahagya syang tumawa at pupunasan ang luha nya.. "Ayaw mo nga palang ako ang nagpupunas sa luha ko, kaso may pupunas pa ba nito ngayong wala ka na sa tabi ko?.. Ang tagal na rin, 'no? Ikakasal na nga pala ako, Allen, masaya ka ba para sakin? .. Hmm, ang lamig naman nun, niyayakap mo ba ako? Alam mo ba ako yung nag-ayos nung kasal namin ni Jc? Ibinuhos ko lahat ng pangarap ko dun, kahit nag-aaway kami bago matapos yon ay tinapos ko pa rin. Ang hirap ngang isikreto sa kanya, e.. Pero nalaman nya rin." she sniffed. "Parang ayaw na nya akong pakasalan. Oh, wag ka munang magalit dyan.. Naalala mo ba nung dito sya mismo sa harap mo nagpropose sakin? Ang saya ko nun.. Sobra. Pero yung tanggihan nya yung kasal? Parang tinanggihan na rin nya ako. Did I rushed things? Nasasaktan kasi ako, e." she wiped her tears away.
Sumandal sya sa bench ng nakaupo sa sahig. Huminga ito ng sobrang lalim at pumikit..
"Allen, mali na naman ba ako? Hanggang ngayon ba ay pangalawa pa rin ako? Or am I just too stupid to see the truth? Allen, sobrang sakit.. Kasi yung first love pa rin.. I just found it last night, I overheard them talking about their cousin, Jasmine and Jc were once lovers bago pa ako makilala ni Jc. Nagtatanong sya kung ganoon ba kasakit ang maging pangalawa sya sayo? Pero di nya alam, e. Ako na naman ba magtatanong nito ulit?! Gaano ba kasakit maging pangalawa?! Shz, I was so hurt nung nalaman kong may asawa ka na.. Sobra akong nasaktan pero mas masakit 'to, Allen, yung kahit hindi man asawa yung kalaban ko ay yung first love naman.. Kung saan hindi pa sya naka-move on at nagle-let go. Kung saan feeling ko mahal nya pa rin yon.. The way they look and stare at each other, may something, e. Akala ko guni-guni ko lang.. Akala ko matagal pa bago ko malaman na may kung ano sa kanila kasi ganun naman usually sa movies or teleseryes, e. I never expected na ganun ko kabilis makukuha yung sagot sa mga tanong ko. Jasmine.. A really sweet name, isn't it, Allen?" huminto sya sa pag-iyak at tanging hikbi na lang ang naririnig.
"Allen, I got an idea.. Can I come there with you? Can I be with you even just for a short time? Wag kang magalit sa hinihiling ko, I'm not asking to die.. I just wanna see you in my dreams and hold you and hug you and talk to you.. Mukha na ba akong baliw dito, Allen?"
Inayos nya ang pagkakasandal nya habang nakapikit pa rin. "Sorry for always bothering you, ha? Dito muna ako.. I'm safe whenever I'm with you.. I feel so loved whenever I'm right beside you and I am feeling so not alone here with you."
BINABASA MO ANG
Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )
Любовные романыMistress Series Part 1 : The 17-Year-Old Mistress -- Date started: APRIL 26, '15 Date finished: AUGUST 26, '15 -- Dati nagtanong ako kung gaano ba kasakit ang maging pangalawa ka lang sa taong mahal mo.. Ngayon, siya naman ang nagtatanong nito sa ak...