[ 39 ]
Pagbaba ni Zefran ay nadatnan niyang naglalaro sila Jandro at Ella. Hawak-hawak ni Jandro ang cellphone niya at todo pose naman si Ella sa harap ng camera.
"Daddy, let me see! Let me see!" Bungisngis na sabi nito. Hindi maiwasan ni Zefran ang mainggit, for years, he thought his vision of having a family faded but maybe, he just buried that thoughts away. Kung hindi lang sana sila nagkahiwalay ni Naya, malamang may anak na rin sila ngayon. ,
"I look so cute, daddy! Ang galing mo po mag-picture, dapat naging photographer ka na lang or director po eh," nakangiting sabi niyo habang naka-akbay ang maliliit niyang braso sa balikat ni Jandro.
"Wala akong hilig doon babay eh. Ayan oh, si Tito Zefran mo, direktor 'yan diba kuya?" Nagulat siya nang bigla siyang tawagin ng kapatid at mabilis na tumakbo sa kanya si Ella at umaktong nagpapabuhat.
"Tito, are you really a director po?" Nakangiting tanong sa kanya nito. Wala sa sariling napangiti siya at kinurot ang pisngi nito.
"Do you want to be a director too?" Tanong niya.
Umakto si Ella na nag-iisip kaya napatawa lalo si Zefran. "No po, Tito. Wala kasi kaming budget ng Mommy ko po, baka mahirapan lang kami."
"Ella, can I ask you a question?"
"Okay po," nag-thumbs up pa ito sa kanya.
"Why are you calling Jandro, daddy? Hindi ba mag-seselos ang daddy mo?" Agad nawala ang mga ngiti at biglang lumungkot ang mukha ni Ella.
"I don't know who my real daddy po, Tito. Kami lang dalawa ni Mommy, sabi po kasi ni Mommy we left him because hindi pa siya ready."
"Sinong hindi pa ready? Daddy mo?" Tanong niya pa rito. Curiosity filled Zefran's head.
"Si Mommy ko po."
"Ah. How do you feel about that?"
Ella looked up like she's thinking what to say, "I respect that naman po kasi 'di ko po pwede ipilit si Mommy if 'di po siya okay eh." Zefran smiled at her answer, very wise kid.
"Okay lang 'yon Ella, 'wag ka na malungkot. Ayan si Tito Zef oh, pwede mo rin siya maging daddy, diba Kuya?" Jandro shouted while wiggling his brows, sinamaan naman niya ito ng tingin na agad ding nawala dahil hinawakan ni Ella ang mukha niya.
"Tito Zef, can I call you papa?"
Zefran smiled at her, "Yes. I can be your Papa." Bakas sa mukha ng bata ang pananabik nito sa isang ama. Sa sobrang saya nga nito ay pinugpog siya nito ng mga halik.
"Opps! Kiss him again baby, picture ko kayong dalawa!" Jandro winked and Ella giggled before posing for the camera. They took a few shots before getting the perfect pose.
"Wow! Para kayong totoong mag-ama kuya oh!" Natatawang sabi ni Jandro.
Oh how I wish.