Chapter 12

24 2 0
                                    

Justin's POV

Nagkatinginan lang kami ni Sassy matapos ang nangyari sa pagitan namin. Mukhang pareho lang kaming hindi alam kung ano na ang sasabihin.

Pinagsisihan niya kaya ang ginawa niya?

Sana hindi lang 'yon dala ng nainom niya. Umaasa na ako eh.

"Miss Sassy, nandito ka lang pala." "Ay, hello, Justin." Bigla namang dumating ang personal assistant ni Sassy.

Nahuli ko ang pagpanic sa mga mata ni Sassy. Agad niyang iniwas ang tingin sa'kin.

Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

"Miss Sassy, kailangan na nating umalis." Inform ng PA niya.

Inaanticipate ko ang sasabihin niya, na tumanggi siya at piliing kausapin muna ako bago siya umuwi.

Please stay..

We still need to clarify things between us.

Like there's still "us".

"Ah, okay." Sagot agad ni Sassy sa PA niya. "We have to go, Justin." Medyo awkward na pagpapaalam niya sa'kin.

Hindi ko magawang sabihin ang hiling ko na sana hindi muna siya umalis. Disappointed ako, syempre.

"Ah... Sige, ingat kayo." Sagot ko na salungat sa gusto kong sabihin at tumango naman siya.

Naunang maglakad si Sassy at kumaway naman sa'kin ang PA niya. Parang nagpipigil pa yata 'yon ng kilig ah.

May alam kaya 'yon tungkol sa'min?

Teka, ano ba kami?

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na din ako sa function hall. Kalmado na ang mga tao do'n at mukhang napagod na rin. Bumalik ako sa table namin kanina at nando'n na ang apat.

"Oh, sa'n ka galing?" Tanong sa'kin ni Pablo.

"Nanay ka, Pau?" Hindi pa man ako nakakasagot ay inasar naman siya ni Stell. Inirapan tuloy siya ni Ate Chona.

"Kumusta? Okay na kayo?" Makahulugang tanong naman sa'kin ni Josh.

"Aba, parang kayo lang ang may mutual understanding dito ah." Sabat naman ni Ken na kunwari ay nagmamaktol.

"Ano na nga?" Hindi pinansin ni Josh ang sinabi ni Ken at ako pa rin ang pinagtatanong.

"Ewan ko." Sabi ko sabay kibit balikat.

"Ang hina naman." Panunukso naman sa'kin ni Stell.

Inismiran ko na lang siya at naupo sa bakanting chair sa table namin.

"Magkikita pa naman kayo no'n, Jah. Kasalanan yata no'ng PA niya eh, sinundo agad si Sassy." Sabi naman ni Pablo sa'kin at mukhang naiintindihan na rin ang tanong ni Josh kanina, nakangiti pa nga.

"Ahhh! Gets ko na." Late reaction na naman si Ken, tinawanan pa ako pagkatapos at may pagpalakpak pa.

Ako 'tong bunso sa'min, pero ako pa yata 'tong pinakaproblemado sa lovelife. Hindi ko alam sa mga 'to, mukhang masasaya naman eh.

Ilang linggo na ang nakalipas at hindi na kami ulit nagkita ni Sassy. Ni online interaction ay wala. Mukhang busy'ng busy siya eh. Bukod sa pagiging performer ay nabigyan rin siya ng acting project.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now