Not A Dude
Amber's POV
Err....
Bakit ba nandito pa 'yang baklita na 'yan? Kasama yung love love niya na eklabu? Aish. Nawala tuloy ako sa mood, kaasar.
"It's good to see you, Liam!" masiglang sabi ni Love kay Liam, ito namang si isip bata parang nawala ang mood, paano ba sila magkakakilala?! Can someone explain to me, atleast?!
"Hehe." yan nalang ang sagot ni Liam, napatingin naman ako kay Kieffer at mukha siyang natatae. Teka? Baka natatae talaga siya? Ay ewan.
"Hi. I'm Love and you are?" ay ako na pala yung kausap =____=
Nag offer siya ng handshake at tinanggap ko naman "Amber." sagot ko at binitawan agad yung kamay niya. Kung babasehan sa physical features, maganda siya. She looks very pretty, mukhang ligawin talaga ng mga lalaki at dahil dyan ililigaw ko siya sa gubat. Dejoke.
"You seem very interesting, Amber."
Luh. Sakin pa nagka-interest?! Well, she's not interesting for me. "Love, let's go." aya ni Kieffer, tss. Of course! Lalayo na sila ng girlfriend niya, what do I even expect? Alone time syempre.
"Tss. Fine, it was nice meeting you Amber. You too, Liam." sambit ni Love at tuluyan na silang nag evaporate ni Kieffer at namatay. Dejoke, umalis lang sila hehehe
"Akalain mo, magkikita pa kami ni Love ngayon?" sabi ni Liam, napalingon naman ako sa kanya, kilala niya si Love?! Ay, malamang kilala sa pangalan eh. Talino mo talaga Amber!
"Close kayo nun?" tanong ko
"Tss. Asa naman, nakaraan na hindi na dapat binabalikan." sabi niya na parang may hugot yung bawat salita, piningot ko naman siya sa tenga
"Ahh! Aray--- masakit! Amber-sshi!" mangiyak ngiyak na sabi niya "Maghihimutok ka dyan eh hindi ko naman kung saang kanal mo hinuhugot yang mga banat mo. Magkwento ka!" utos ko tapos dinala ko siya sa mga benches
Hari ako heh. Napapasunod ko kaagad siya, hahaha!
"Ganito kasi yun." nag pause sya at huminga ng malalim "Dear Charo-- aray! Kanina pingot ngayon suntok?! Ano punching bag lang ako, huh Amber-sshi?!" sabi nito "Ayusin mo kasi. Ikaw ang ipapadala ko kay Charo eh!" sagot ko
Napakamot siya ng ulo at nagsimula ng magkwento..
"Magkakilala na kami nila Kieffer since highschool tapos si Love ay pinsan ni Marco--"
"PINSAN NI MARCO?! DI NGA?! WALANG HALONG ETCH?!" sigaw ko tapos binatukan ako
"Kumalma ka nga! Ang OA mo eh!" saway niya sakin at inirapan ko nalang siya
"Kagaya ng sabi ko pinsan siya ni Marco, napansin mo rin naman na may pagkagwapo talaga si Marco, alam kong napansin mo 'yan kasi babae ka. Pero dati si Love, NAPAKA PANGET NIYAN!" wow wagas makalait eh XD "Yung mala Betty La Fea! Buti nga naging magkaibigan si Kieffer at Love kundi mukhang tahong parin 'yang babaeng 'yan." sabi niya
"Magkaibigan? Akala ko ba girlfriend ni Kieffer si Love?" tanong ko
"Huh? Saang kili kili mo naman nakuha 'yang impormasyon na 'yan?" tanong niya sa akin "Ahh! Kasi nga, Love yung tawag ni Kieffer sa kanya. Malay ko bang pangalan niya yun!" sabi ko
=_____= <--- itsura ni Liam
Oo nga, bakit ba ngayon ko lang narealize yun? Bobo ka talaga, Amber.
"Magkaibigan lang sila. Ayun nga, dahil baklang oknoid si Kieffer pinaganda niya 'tong si Love!" sabi niya
"Plastic surgeon ang peg ni Kieffer, ganun?" tanong ko na may halong nagbibiro "Pero alam mo? Mas maganda si Love nung hindi pa siya nagkakaganyan. Nung simple palang siya, yung walang mga kolorete sa katawan." sambit niya

BINABASA MO ANG
Not A Dude [On Going]
Ficção AdolescenteAng Winston University ang isa sa mga pinaka-sikat na all boys school sa panahong ito. Saksakan ba naman ng gwapo, talino at hotness ang mga boys dito, won't you pay a visit? Pero ano ang mangyayari kapag may nakapasok na babae sa university na ito...