Prologue

6 0 0
                                    

"Trisha, table number 4. Bilisan mo ha, mahirap nang pinaghihintay ang mga customer"

"Opo! Magrere-touch lang ako!" sigaw kong pabalik. Masyadong maingay dito sa pinapasukan kong trabaho. Maingay. Mabaho. Mausok.

"Tiba tiba ka na ha! Waitress lang ang ipinasok mo dito pero ang lakas ng hatak mo! Iba talaga yang ganda mo."

Guato kong matuwa sa sinasabi niya. Gusto kong maniwala na maganda ako. Gusto kong maniwala na iba ako sa mga taong nandito. Pero hindi, ang dumi dumi ko na. Mahigit sa dalawang lalaki ang ginagamit ang katawan ko gabi gabi. Kahit paulit ulit, wala akong magawa kundi umiyak habang pinagsasamantalahan nila ang katawan ko. Wala naman silang pakielam eh, ang mahalaga masustentuhan ang kalibugan nila. Matapos nilang gawin ang gusto nilang gawin ibabato na lang nila ang pera sa amin. Ano pa nga bang magagawa ko? Pokpok nga ako di ba?

Matapos kong maayos ang buhok ko lumabas na agad ako sa kwarto at pinuntahan ang customer ko daw. Malayo pa lang natatanaw ko na kung gaano kayaman ang lalaki na iyon.

"Uhm.. Hello" bati ko sa kanya kasama ang matipid kong ngiti.

"Ahh! Ikaw ba si Trisha?" mukhang nagulat niya sa akin at tumayo agad. "Hello. Ako nga pala si Bernard" at nginitian ako. "Upo ka."

"Uupo pa tayo?" ngumisi ako at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Alam ko naman kung saan hahantong 'to kaya saang motel ba tayo? Tara na at para maaga akong makauwi."

"Hindi ako kagaya ng mga lalaking nakakasalamuha mo kada-gabi ija. Umupo ka muna."

Nagulat ako sa inaasal niya. Tinanong ko siya kung bakit pa niya ako babayaran kung wala din naman siyang gagawin sa'kin ang sinabi lang niya ay kailangan niya ng kausap. Nagkainuman kami at napatunayan ko ngang iba siya sa mga lalaking nakilala ko. May edad na siya. At may-ari ng banko. Bigtime nga.

"Ano nga palang problema mo? Bakit ka dito pumunta?" kaswal kong tanong sa kanya

"Namatay ang asawa ko.."

"Ah.. Pasensya na di-"

"Ayos lang. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon." kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Naaalala ko ulit ang sakit na nangyari sa akin dati, nang mawala sila. Nang mawalan ako ng magulang.

"Sige. Ikwento mo lang sa'kin"

"Si Olivia ang buhay ko. Simula nung bata ako siya lang ang babaeng pinangarap ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon naging kami and we even got married. Perfect na lahat, pero God didn't gave us a chance para magkaanak. Tinanggap namin yun pero pag titingin ako sa mga mata niya nalulungkot siya. Hanggang sa nalaman ko na nakikipagkita siya sa may-ari ng bank na kakumpitensya namin. Nagkarelasyon sila. Nakikita ko na sobrang saya niya tuwing kasama yung lalaki na yun because may anak siya." bumuntong hininga siya at tumingin sa akin "Anak na hindi ko naibigay sa kanya. We fought, bawat minuto, araw araw. Walang tigil. Mahal niya talaga yung lalaki at yung anak. And one time humingi siya ng consent sa'kin para magdivorce kami. Di ako pumayag of course kaya she ran away from home. Kailangan daw namin magisip isip."

Halos mangatal ngatal na yung boses niya dahil sa pagiyak. Sobra pala ang pinagdadaanan niya.

"At tumawag siya sa akin, akala ko siya talaga yun, pero ang nakausap ko ay ang pulis na sinasabing pinatay daw ang Olivia ko. My wife." umiyak siya ng umiyak. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tinignan ko na lang sila at inirapan. "Alam kong ang Andrada na yun ang pumatay sa asawa ko!"

Agad akong napalingon sa kanya nang marinig ko ang pangalan ng taong kinamumuhian ko. Ang mga taong sumira ng buhay ko. Ang mga taong nagdala sa akin sa ganitong buhay.

"Kilala mo ang mga Andrada?" tinanong ko siya para manigurado na hindi lang ako ang taong may galit sa mga Andrada

"Oo. Sila ang may ari ng SAN Bank, familiar ka ba sa kanila?" tumungo ako bilang tugon sa sagot niya.

Naikwento ko sa kanya ang lahat ng peligro at pagpapahirap na ginawa nila sa akin. Sila ang dahilan ng pagkamatay ni Papa. Sila ang dahilan kung bakit ako kinamumuhian ng mga tao. Sila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. At ang gusto kong paghihiganti para maramdaman nila ang paghihirap ko.

"Simula bukas aasikasuhin ko na ang nga papeles.."

"Papeles para saan?" tanong ko

"Para sa pag-adopt ko sayo. Magiging Ocampo ka na. Kasama mo na ako sa pagpapabagsak sa Andrada. Wag kang mag-alala Trisha, kasama mo ako." nagulat ako sa mga sinabi niya. Dahil ba sa awa kaya niya nagagawa lahat ng mga ito? Eto na nga ang sinasabi nilang biyaya na ibibigay sa'kin ng nasa itaas.

Ito na ang katapusan niyo mga Andrada. Babalik ako at tatapusin ko kayong lahat. Lalo ka na Steven, ipaparamdam ko sayo ang sakit na idinulot mo sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon