"Nandito na po ako.." pagkapasok ko sa bahay.Nadatnan ko si nanay na parang luging lugi sa negosyo. Meanwhile, papa was watching a television.
Lumabas kaagad si ate maru galing sa kanyang kwarto nang narinig ako. Nag angat naman ng tingin si nanay sa akin.
"Kamusta kayo ng boypren mo?" Salubong ni nanay nang umupo ako sa sofa naming kawayan.
Natigilan ako sa pagbaba ng aking bag at tiningnan siya. Naglakad naman si ate maru papuntang kusina. She was pursing her lips like she was telling me something.
Kamusta kami ng boypren ko? Bakit may boyfriend ba ako?
Kumunot ang noo ko.
"Ano po ang ibig niyong sabihin, nay?" Naguguluhang tanong ko.
Suminghap siya na parang nairita sa pagtatanong ko.
"Sinabi ng ate mo kagabi na nag motel kayong ng boypren mo izana," si papa na ang sumagot.
Nanlaki ang mata ko at napaahon galing sa pagkakaupo. I'm not innocent but i never thought they could say that to me! My family wasn't conservative at nasanay na ako simula noong bata pa ako.
But still, it hurts. They really thought i was out.. doing that with whom? My boyfriend? I never had one. They know it but they never believe me.
Padabog akong naglakad patungo sa aking kwarto. Buti nga sa inyo naunahan ko kayo sa perang ninakaw niyo! Nakakainis!
Parang wala lang sa kanila na kung ganoon nga ang ginawa ko kagabi?! Malandi ba ako sa mata ng pamilya ko?
I cursed ate maru. Siya itong malandi, eh! Okay lang sana kung ang excuse na ginawa niya at nasagasaan ako, pero hindi eh! Motel!
I wiped my tears aggressively. Nakakainis!
Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako. Halos ilang oras ang tulog ko. Nasa labas sina trishia, may sasabihin daw sa akin kaya lumabas ako ng bahay.
As usual, wala sina nanay. Si ate maru naman ay wala rin.
Bakit sila nandito? Sa lunes pa ang pasok namin. At wala naman kaming gagawin sa school.
Maganda sana ang sunset kung hindi lang dahil sa mga bubong ng kapitbahay namin. Epal, ang daming sampayan. Halos lahat undergarments.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang hindi isipin si zale. I want to know if he's alright. Kung gising na ba siya. I never give them my contact dahil baka kulitin nila ako tungkol sa reward at malaman pa nina nanay na ako ang tumulong sa lalaking ninakawan nila.
I left a letter for him to read when he woken up. Gusto ko siyang kausapin kaya isinulat ko nalang 'yon sa papel.
Hi, I'm izana!
Ako po ang babaeng kasama mo simula kagabi. I know you don't know me pero sana paggising mo, magpagaling ka agad. I want to talk to you about something pero malabo yata kaya isusulat ko nalang dito. Uhm, you can call me if you'll change your mind too.
I donated my blood to you without your consent. You're still unconscious and you might find my blood as dirty.. sorry. I was desperate because I'm scared na maubusan ka ng dugo dahil sa dami ng mga sugat mo. Here I am, still hoping na magigising ka ngayon dahil marami akong gustong sabihin sa'yo.
You might can't understand it, but I'm really sorry. Sorry po sir, at sana ayos lang po kayo ngayon. I know your family was worried but I can't think straight because I'm afraid to leave you here alone. That's all po, thank you sir.
I remember i put my number. Ayos na siguro 'yon.
Nadatnan ko ang apat na kaklase ko. May dalawang motor na dala. Kung hindi lang madalas magtungo dito si trishia, matatakot ako para sa kanila.