Pumasok ako sa isang malaking kwarto, pagkaakyat namin patungong ikalawang palapag. I'm still amaze by the design of their house. It's modern but it has a lot of paintings, and structures on their living room.One maid assisted me. Nakakapanghiyang kasi umalis din kaagad si Raven. However sofia told me that zale wants us to talk alone. Naiintindihan ko naman 'yon at ganoon din ang gusto ko.
I said i was prepared pero nanginginig ako. My real purpose here wasn't about his condition. Oo, gusto kong makita kung magaling na ba siya. But my real motive is to tell him the truth, na kasama ang parents ko at linisin ang pangalan nila.
After all, i did the right thing right? Binawi ko naman agad kaya wala rin silang nakuha. Hindi rin daw sila kasali sa pambubogbog, sabi nila kagabi.
Pumasok ako at agad sumalubong sa akin ang lamig ng kwarto. Sinabihan ako ng yaya na sa baba sila maghihintay. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
I saw a man still laying on the bed. I went to his room without greetings. Kinakabahan ako.
Nakita ko ang paggalaw niya. Nataranta agad ako kung bakit napabilis ang paglapit ko sa kanya.
"Huwag ka munang gumalaw." Agap ko nang makalapit.
Bahagya siyang natigilan at ang seryosong mata ay nanlalaki. Napangiti ako habang tinitingnan siya. May mga sugat pa man, masasabi kong ayos na ang kalagayan niya.
He breathe and nodded. Sinunod ang sinabi ko.
I don't know what to say first. Napatingin ako sa kwarto niya. Maluwag at malaki. Isang malaking kama, may flat screen TV, isang malaki at mahabang sofa at mga mamahaling gamit.
I heard him cough a bit. Alright, we're a bit awkward.
"Kamusta ka?" I asked him after i calm myself.
Umupo ako sa sofang malapit sa kama niya. Nataranta pa ako dahil bahagya siyang bumangon.
"Huwag ka muna sabing gumalaw. Mga mga sugat ka pa o," nakangusong sabi ko.
Hindi ko alam pero nakita ko ang pagkibot ng labi niya at unti-unting ngumiti habang diretso ang mata sa akin. I sighed.
"You're izana, right?" He spoke. Nagulat ako sa lalim ng boses niya. Ganun pa man, tumango ako at kalmado na ngayon pagkatapos siyang tulungan sumandal sa headboard ng kama. "How old are you again?" He asked.
Umayos ako ng upo. I expected this.
"Seventeen po.." sabi ko sa mababang boses.
"Damn. You're way too young. Why did you help me?" Aniya.
Nagulat ako roon. "Uhm, kasi gusto ko? At marami kang pasa no'n. Walang tutulong sa'yo kung hindi kita nakita." Sabi ko.
"You're right. Thank you.." he said calmly.
Tumango ako. "Pasensya na nga pala kung sa public hospital kita dinala.."
Kumunot ang noo niya. Gumalaw pa siya ng konti at tatayo na sana ako pero itinaas niya ang isang kamay para sabihin na ayos lang.
"Why are you saying sorry? It doesn't matter anyway." Aniya. "I saw the letter you left. Why did you keep saying sorry?"
Dinaga ang dibdib ko at napaahon.
Sisimulan ko na ba? Anong sasabihin ko? Napatingin ako sa kanya. Mukha siyang masungit pero mabait naman yata.
Kahit hindi pa magaling, naka white tee at sweatpants lamang siya ngayon. Malinis tingnan at kahit maraming pasa sa mukha, kitang kita pa rin ang kanyang kagwapuhan.