Chapter 4

0 0 0
                                    


That's rejection, right?

Maaga ako kinabukasan. Hinatid niya naman ako kahapon at tahimik lamang kami sa byahe. Iniisip ang kagagawan. He must think I'm flirting him.

Hay naku!

Wala pa sina trishia, napaaga yata talaga ako. Nasa bandang gitna ang upuan ko dahil matangkad naman ako.

However, i saw gavin approaching. I smiled at him a bit at nagpatuloy sa pagsulat ng kung ano-ano sa aking notebook.

Sa kanilang apat, si gavin lang ang medyo mabait sa akin. Ewan ko ba kung bakit lumalapit pa rin sila sa akin kahit na hindi nila ako ganon ka gusto.

Matalino si gavin. Naging crush ko siya noong highschool pero hindi niya ako nagustuhan. Okay lang. Kahit na halos, umiyak ako dahil sa girlfriend niya noon.

Hindi ko naman kasi alam na may girlfriend siya. He rejected not because he doesn't like me. In fact, he confessed that he has a feeling toward me too. Pero nawala rin kaagad dahil nawalan ako ng interest sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at sumilip sa aking notebook. I pursed my lip and closed my notebook. Chismoso. Diary ko 'yon eh.

He chuckled. "Anong sinusulat mo? Assignment?" He asked me.

Umiling ako. "Wala lang. Sketches, ganon." Sabi ko.

Tumango siya. "Nakita mo ba sila? Wala pa yata?"

Sinuyod ko ang loob ng room namin. Late na sila. Ilang minutes nalang papasok na si Ms. Ocampo para sa aming first subject.

Wala naman akong pakialam kung late sila. Ganon din naman sila sa akin eh. Although, mabait naman minsan.

"Ewan ko. Siguro papunta na 'yon dito," tanging sinabi ko.

"Sabay na tayo mag lunch, ha? May dala kang baon, diba?"

Gavin is a nice guy. I can say that.

Tumango lamang ako. Sila naman madalas ang kasama ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang itanong 'yon sa akin.

Naisip ko bigla ang ulam kong corned beef. For sure, mandidiri na naman ang tatlo sa akin. Tiningnan ko si gavin. His face was in his knuckles at diretso ang mata sa cellphone. I saw him scrolling on his account.

"May tanong ako," sabi ko nang biglang naisip ang bumabagabag sa akin kagabi.

Napatingin siya sa akin at biglang nagulat. Umayos siya ng upo at itinuon ang pansin sa akin.

"Ano 'yon izana?"

"Uhm.. ano ang biggest turn off mo sa babae?" Tanong ko sa nag iingat na tono.

I want to know from him. Kagabi pa kasi ako nag iisip.

His chinky eyes slowly widened at unti-unting ngumiti. I thought he's assuming again pero hindi naman. Maayos naman siyang sumagot.

Nag isip siya sandali. He then fixed his glasses. His hair is falling a bit at maputi si gavin. Aakalain mong may half pero hindi daw.

He's also a good looking guy. Maraming nagkakagusto sa kanya sa school at sa aming batch mates pero wala siyang natitipuhan. Palagi kasi kaming magkasama at focus din siya sa pagaaral.

"I never think that much about that but, for me, nakaka-turn off ang babaeng walang pakealam sa pag-aaral at yung tulad ni lucy.." aniya.

So, nakaka-turn off ang babaeng walang pakealam sa acads? Totoo nga naman. Lalo na sa tulad namin na student pa lang, mas natitipuhan ako sa mga lalaking magaling at matalino.

Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon