"OH, my god! I can't believe this!"
Naantala ang tangkang pagkagat ni Hannah sa kanyang burger. Naintriga sya sa reaksyon ng kanyang kaibigan na si Sofia. Tila kinikiliti ito sa singit. Kilig na kilig mula sa kinauupuan. Namumungay ang mga mata nito.
"Hannah, check this out! Freedom Aicen Saavedra is in that group!"
Sumulyap si Hannah sa direksyon tinutumbok ng paningin nito. Kilala nya ang tinutukoy nito. Freedom Aicen Saavedra was a super model. He was a favorite product endorser. The last time she saw him was on a magazine wearing a famous brand of clothes.
Naroon sila ngayon sa Cazelon─ang bagong tayong establishment sa Enclave. It's a unique type of building. Combination of wood and bamboo ang outer part ng dalawang palapag na gusali. Pabilog ang shape ng building.
At the center of that building, may space roon na tila isang living roon na nagsisilbing hang out ng mga customer ng Cazelon. Patok ang lugar sa mga kabataan dahil sa arcade area at internet café. May bagong tenant na burger stand doon at iba pang food kiosk.
Sa palibot ng lugar ay naroon ang mga round tables na yari sa stainless at mga chair na yari sa bakal with a huge umbrella attached in each table.
Maganda ang pagkaka-landscape ng mga halaman. Tinaniman ng carabao grass ang kabuuan ng lawn sa halip na bermuda. Nagmistulan iyon carpet na green.
Nagmistulang park ang paligid ng Cazelon dahil sa mga halamang nakatanim. Iyon nang famous attraction ng Enclave.
Ang Enclave ay intersection ng mahigit sa walong village. It's along service road. Bahagi iyon ng Parañaque. Some of the traveler used to dropped by para lang mag-snack and they were one of those people.
"Oh, my god, Sofia! We're the luckiest person on earth! He makes my heart jump! Ang gwapo nya!" bulalas ni Hannah.
Nakita nya ang tinutukoy nito. Two tables away from them. Kadarating ng isang grupo ng kalalakihan.
Nagkakasiyahan ang mga iyon. Only one man stand out in the crowd. Si Freedom iyon.
It's not just Sofia! Kung super crush ito ni Sofia─sya, she's dying to meet him. Mata pa lang noon ulam na. He has the most beautiful eyes that she ever seen. Those eyes were smiling even though he's not!
According to some write ups about this model, maraming nag-aalok rito ng break for t.v. shows or movie pero tinatanggihan lang ito. He turn down the offer. He dropped it like a hot potato. Sabi pa nga ng ilan, it's just an act, sooner or later papasukin din nito ang showbiz.
Pa-hard to get ika nga sa nililigawan. Nagpapabango ng pangalan para kagatin ng public ang gimik. Kung pumayag lamang ang naturang modelo, he will be one of the adorable hunks and pretty faces in showbiz! Sa tingin nya, malabong pasukin nito ang showbiz.
Hannah's research shows that Freedom's father was a businessman. Libangan lang ng lalaki ang modeling. Actually, three years ago hyper active ito sa modeling pero lately hindi na. Ayon sa kanyang source, pinamamahalaan na nito ngayon ang family business.
"I can't believe it, crush mo rin pala sya. He looks so yummy!"
"Makalaglag panty ang karisma nya, girl! Believe me!" kinikilig na wika nya.
"Hannah, he's leaving!"
"Come on habulin natin!" Ayaw niyang palampasin ang pagkakataong iyon.
Tarantang napasunod sa kanya si Sofia. Malalaki ang kanilang mga hakbang. They want to meet him face to face. They want them to be recognized by Freedom─to show they're exist!
BINABASA MO ANG
Complicated love
RomanceNasa cloud nine ang pakiramdam ni Hannah pagkakita nya sa kanyang ultimate crush na si Freedom Aicen Saavedra. Naging mabilis pa sa rocket na bumalusok pababa ang pakiramdam na iyon ng umeksena ang kaibigan nitong si Jinn Lian Verde. Walang pakundan...