Mederi's POV
So I think this is the right time to open a conversation with my family about the girl I like. Parang umaayon sa akin ang tadhana, malakas po ba ako sa'yo Lord? Kagabi naka-amin na ako kay Devi, kanina hinarana ko siya sa room kahit mukhang part ng program 'yon. Ngayon naman, may time ang pamilya ko para mag dinner kami nang sabay.
Ngayon lang ulit kami nag sabay-sabay mag-dinner. As much we want na sabay-sabay kami, may sariling mundo ang isa't-isa.
Si Mommy busy din sa family business ng mga Lewis, sides ni Mom. Si Papa naman kung hindi busy sa church, teacher naman sa isang Christian University. Si Kuya napapansin kong lagi late umuwi, pinagsasabihan siya ng parents namin pero mukhang wala balak makinig. Ako naman tutok sa social media.
"Ahmm." I cleared my throat, "Mom, Papa. May sasabihin po ako."
Nakita ko namang nag-angat sila ng tingin. Pareho silang naka-smile sa akin.
"There is a girl I like po... I want to pursue her." wala nang dalawang isip at sinabi ko na agad ang gusto kong sabihin sa kanila.
Maliban siguro sa aking mga kakilala, sila talaga ang makakatulong sa ano mang aspeto ng aking buhay, kahit buhay pag-ibig pa 'yan.
Nakita kong nagkatinginan muna sila bago magsalita si Papa, "Wow, son. First time mong mag-open sa amin about sa nagugustuhan mo."
"True, dear. I also heard that you have been flirty toward other girls. Nakakagulat na sinasabi mo 'yan sa amin."
Nabitawan ko ang aking kubyertos at napainom ng tubig, hala alam nila mga kaharutan ko dati? Sino kaya nag-kuwento no'n?
Pero hindi ito tungkol sa nakaraan ko. Tungkol ito sa future ko, si Devi.
"But I am happy. Mom is happy too that you dare to talk about the girl you like." sabi naman ni Papa. Napangiti na lang ako.
"So, what about it, son?" tanong ni Mom.
"Paano ko po ipu-pursue? Can you give me some advice please?" tanong ko sa kanila.
"Pursuing her? Gusto mong ligawan?" si Papa 'yon.
Tumango naman ako sa kanya.
"Well... seek the guidance of the Lord. Gusto mo ba siya? Baka attracted ka lang sa kanya, Myles..."
"I am attracted to her, Papa. Pero may nararamdaman pa po akong mas higit doon."
"Like, do you want to hold her hands and want to sleep with her?" tanong naman ni Mama, "It's called lust, Bunso." sunod naman niyang sabi.
"No, no no. Hindi po lust." agad na sagot ko, alam ko ang meaning at feeling ng lust at sigurado akong hindi lust ang nararamdaman ko kay Devi.
She is such a pure and meaningful girl in my eyes.
"Once ba mapasagot mo ba siya, are you eager to show her to other people?" tanong ulit ni Papa.
"Yes, Pa. Sino po bang hindi magiging proud sa jowa mo? She's pretty, intelligent, and I think she is perfe–"
"To the point, lagi mong ibo-boast na may jowa ka na? Partner is not just a trophy, a thing. Hindi mo siya minahal at ginawang jowa dahil gusto mo lang may ipagmalaki." sabi ni Papa.
"Bunso, ipagmamalaki mo siya dahil mahal mo ba talaga siya? O dahil ideal lang siya sa'yo?" tanong naman ni Mama.
"It is pride, Myles. Think about it." si Papa naman ang nagsalita.

YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomanceAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...