Chapter 5

0 0 0
                                    


"Anong kabalbalan na naman ang ginawa mo mayuri!" Umaga palang, dinig na dinig ko na ang malakas na sigaw ni nanay galing sa aking kwarto.

Natigil ako sa pagsusulat. Today is Saturday kaya wala kaming pasok. Maglalaba ako mamaya.

Umingay sa labas. Narinig ko agad ang pagdagsa ng aming kapitbahay sa labas ng bahay.

"Hindi nga sabi totoo 'nay!" Si ate maru.

Anong nangyayari? Gusto kong lumabas pero baka pati ako, mapagalitan.

Anong ginawa ni ate maru? Hindi siya umuwi kagabi dahil may trabaho siya. Si nanay naman ay nasa bahay lang at buti nalang ay wala ngayon dito si papa.

Maingay sa labas dahil sa chismosa naming kapitbahay. Umaga palang, chismis na ang inaatupag nila.

Tumayo ako at naglinis ng kalat. Sinisimulan ko na kasi ang paggawa ng letters. Para kapag nakabili na ako ng materials ay pagdidisenyo nalang ay aatupagin ko.

"Nahuli si roman! Sinumbong mo daw!" Si nanay.

Natigil ako sa pagwawalis. Kuya roman is ate maru's boyfriend. Bakit siya nahuli? May raid ba kagabi sa barangay? Bakit walang ingay?

"Nahuli siya dahil naabutan sila! Hindi ako nagsumbong! At bagay lang 'yon sa kanya!" Sigaw ni ate.

Hindi ba sila makakapag usap kung hindi nagsisigawan? Umupo ako sa aking kama nang matapos nagwalis.

Gusto kong baguhin 'tong kwarto ko. Plano kong bumili ng wallpapers dahil ang pangit tingnan kung plywoods lang.

Hayss.. gusto ko nang kunin ang allowance ko. Hindi naman alam nina nanay na scholar ako dahil siguradong kukunin nila ang pera. 'yon nalang ang perang hinihintay ko dahil hindi naman nila ako binibigyan ng pambaon.

Buti nalang si ate maru ang nagbibigay sa akin minsan. Sa baon ko naman na pagkain, sinusulit ko lang ang pagkain namin dito sa bahay.

"Gaga ka. Hindi mo man lang naisip na si roman ang nagbibigay sa atin ng pang ulam." Iritadong sabi ni nanay.

Humiga ako sa kama at nag isip. Boring sa bahay. Konti lang ang lalabhan ko then after that, magtitiis na naman ako sa init sa loob ng aking kwarto.

Puntahan ko kaya sina zale? Sinabi niya naman na welcome ako anytime diba?

Anong sasabihin ko? Ang sungit pa naman ng mga yaya nila sa akin.

Ngumuso ako at bumangon na. Bahala na, pupunta nalang ako. Gusto kong makakain ng sosyal na pagkain. Wala pa kaming ulam dahil hindi pa nakakauwi si papa. Hindi rin kami pinapautang ni aling rosa dahil mahaba na daw ang listahan namin.

Huminga ako ng malalim at binuhat ang isang basket kung nasaan ang mga damit kong madumi.

Nagwawala parin sila sa sala nang dumaan ako. As usual, hindi parin umaalis ang mga audience.

Nag igip ako ng tubig at pagkatapos ay nagsimula na sa paglalaba. Itinali ko ang may kahabaang buhok dahil mainit sa labas. Buti nalang may tolda pero ramdam parin ang init.

Narinig ko ang paghagis ng kaserola. Napatigil ako sa pagkukuskos ng damit at nanlaki ang mata ko nang nakita si kuya roman!

Akala ko ba nahuli? Bakit nandito siya ngayon?

Lumabas si ate maru na may hawak walis tingting. Binato niya si kuya roman ng kaserola habang nasa gitna si nanay. Nappaatras naman ang mga chismosang kapitbahay namin.

Napapikit ako sa kahihiyan.

Around one p.m, natapos ako sa aking mga gawain. Wala na sila ngayon sa bahay. Na barangay yata since nakita ko ang mga tanod kanina sa labas pati si kapitan.

Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon