Chapter 19

5 1 0
                                    


O MY GOD! Lord, Nakita niyo po 'yon 'di ba?


Nag confess si Meds sa akin at nakapag-paalam kay Mama na liligawan daw ako. Nalaman ko rin na nag-usap pala sila ni Charls para makapunta si Meds sa bahay namin.

Pero mas lalong  Oh.Em.Ji noong nalaman ng mga kaklase ko ang ganap sa buhay namin, support kung support ang mga animal.

Well ilang weeks na rin nanliligaw si Meds. Maayos naman, wala namang problema. Gentleman nge se Meds e. Pero at the same time hindi kami touchy sa isa't-isa.

Minsan hindi rin ako mapakali kaya hindi ko siya mas'yadong kinakausap, kasi as usual naiilang ako sa kanya sa personal.



֍―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―◉―֍



Sunday ngayon, at s'yempre, nandito kami sa church. Naka-pwesto kami rito sa youth area, may mga katabi akong youths—wala kasi si Charls. Hindi ko talaga alam ang dahilan niya bakit minsan ay hindi siya uma-attend, mabuti na lang at medyo kilala ko na ang ibang mga members dito sa church kaya ayos lang. Nakita ko rin si Meds, naka-upo siya sa harapan ko ngayon, medyo awkward kasi kung katabi namin ang isa't-isa.

I wonder... sabi ni Meds ay nakapag-paalam na siya sa parents niya na gusto niya akong i-pursue knowing na sobrang bata pa namin. Hindi man lang silang humarang?

After namin mag praise at purihin ang Diyos na dinaan sa pag-awit ay sunod na agad ang prayers at preaching ni Pastor Remedy, ang tatay ni Meds.

"Blessed Morning, Everyone." bati niya sa lahat nang makarating siya sa harap. Agad din naman kaming sumagot.

"Nako, maganda ang pag-uusapan natin ngayong umaga. Excited na po ba ang lahat?"

"Opo! "

"God is good,"

"All the time!"

"All the time,"

"God is good!"

May pinakitang presentation sa tv malapit sa stage, Pag-Ibig

"Ayan, madaming makaka relate sa topic natin this morning. O lahat tayo makaka relate ngayon."

Nakita ko naman ang mga reaksyon ng mga tao sa paligid ko. May sinisiko ang katabi niya, may nag kukutyaan. Pero ako, naka focus lang harap ko— sa stage ha. Hindi sa na sa harapan ko.

"Na-experience niyo na ba yung nag heart-react siya sa mga post mo?" panimula ni Pastor

"YIIIEEE"

"E yung mag me-message siya sa'yo ng 'good morning?'"

"Yiieee!!!"

"E lagi ka ba niyang nililibre? Lagi siyang nag o-offer ng something?"

"O 'di kay kapag nakikita mo siya, kinikilig ka. Hindi ka mapakali, to the point na feel mo ang awkward niyo sa isa't-isa?"

"Yiiee, pigilan niyo! Pigilan niyo!" sabi ulit ni Pastor.

"Dahil hindi lahat ng kilig ay pag-ibig." madiin niyang sabi.

Napataas ang kilay ko. Wow, ang gandang topic nito ha. Mukhang dito ako kukuha ng mga kasagutan para sa nararamdaman ko.

Sa buong oras na nag-preach si Pastor, wala akong ginawa kung hindi makinig sa kanya at intindihin lahat ng kanyang mga sinasabi.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now