Letter

69 2 0
                                    

"Okay, class. Meron tayong gagawing activity for today." Panimula ni Mrs. Ramos, teacher namin sa Values Ed, nang mapatahimik niya kaming lahat. "Since ang lesson natin this week ay tungkol sa pag-aappreciate sa mga bagay sa paligid natin, you guys will make a letter for each other."

"Lahat kami, ma'am, bibigay namin ang isa't isa?" Tanong ni Roanne.

"Oo, lahat kayo. Bawat isa sa inyo, bibigyan ng appreciation letter ang lahat ng kaklase ninyo. Hindi niyo na kailangan habaan ang letter. One paragraph is enough. You may start now."

Nagsimula naman na kaming magsulat sa kahit anong mga uri ng papel na meron kami na pinadala sa amin kahapon ni Mrs. Ramos.

"Uy Lexyne, sino una mong gagawan? Si Garren, 'no?" Asar sa'kin ng kaibigan kong si Yanzel.

"Baliw hindi 'no! Syempre ikaw!" Asar ko pabalik sa kanya.

"Yie. Kinilig naman ako dun bestfriend!" Natatawang sabi niya na may halong sarcasm sa boses. Napailing na lang ako.

Nang natapos kong gawan si Yanzel ay si Garren na nga ang ginawan ko, isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan na lalaki. At oo, crush ko din siya. Secret lang natin ha?

Si Garren kasi, simula palang nung tumuntong kaming grade one ay lagi na siyang nandyan para sa akin, lagi niya din ako pinagtatanggol sa mga nambubully sa akin nung elementary palang kami. Nang tumuntong kaming high school ay mas nakilala niya ang sarili niya at nadiskubre niya ang talent niya sa pagsayaw, pagtugtog ng gitara at sa paglalaro ng basketball. Dumami ang nakakakilala sa kanya at unti unting lumalayo ang loob namin sa isa't isa dahil nga sa lumalawak na ang mundo niya. Close pa rin naman kami hanggang ngayon pero hindi na tulad ng dati na hindi kami mapaghiwalay dalawa. Dahil doon ay nakilala ko nga ang bestfriend kong si Yanzel.

Hi Garren!

Kamusta? Hahahaha, 'de biro lang. Kakausap nga lang natin kanina pero kung maka-asta ako dito parang ang tagal nating 'di nagkita. Ayun, thank you sa lahat. Kasi lagi kang nandyan para sakin, para patawanin ako tuwing nakikita mong nakabusangot ang mukha ko. Haha, basta thank you!

-Lexyne

Yan lang ang nakalagay sa letter ko para sa kanya. Ayokong magpahalatang may gusto ako sa kanya. Kasi unang una, hindi ko gawain na ipangalandakan ang sarili ko sa mga taong gusto ko. Pangalawa, ayokong masira ang friendship naming dalawa 'pag sinabi kong higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya.

Makalipas ang 45 minutes ay inatasan na kami ni Mrs. Ramos na ibigay na ang mga letters na gawa namin para sa aming mga kaklase.

"Uhm, Garren." Bungad ko sa kanya sabay abot sa kanya ng kapirasong papel na ginupit ko mula sa colored paper na kulay blue.

"Uhm, mamaya na yung sa iyo ha. Hindi ko kasi mahanap yung iyo eh. Pag nakita ko bibigay ko din agad sayo. Thank you nga din pala sa letter." Ngiti niya sa akin.

Tumango naman ako at habang unti unting humahakbang palayo sa kanya ay napasimangot ako.

Hindi kaya, hindi niya ako ginawan? Hindi kaya, palusot niya lang na hindi niya mahanap ang letter na ginawa niya para sa'kin? Hindi kaya, inisip niya na hindi naman akong importante na tao kaya hindi na siya nag- abala na gawan pa ako? Maiintindihan ko naman, kasi kung sabagay nga'y parang wala na nga ako para sa kanya dahil sa pagdami ng mga tao na nakapaligid sa kanya. Dumadami ang mga kaibigan niya at unti unti'y nae-echapwera na lang ako. Tanggap ko na yun! Pero di niya man lang ba cinonsider yung sinabi ni ma'am na lahat ay gagawan ng letter?

Umupo ako sa upuan ko nang matapos ko nang bigyan ang lahat. Nakasimangot pa rin ako at pilit iniisip kung bakit kailangan niyang matagalan sa pagbigay sa akin ng letter niya.

Letter (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon