behind our conceals

734 19 15
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FIFTY
behind our conceals
━━━━━━━━━━━━━━━━

Kasalanan talaga 'to ng pritong isda na 'yun.

After calling somebody on his phone, Gazer dragged me back to the beach house he owns at the furthest part of the island. He was furious about something, but he's not heartless enough to let me walk when he maybe felt how exhausted I look. He just carried me from the resto back to where his destination is.

Hindi na ako nakapalag dahil sa biglaang pagod at pagsakit ng ulo ko. Ang naamoy kong kalansahan ng isda kahit luto naman na 'yun ay parang nasa loob pa rin ng sistema ko at nakakasulasok 'yun sa pakiramdam. And to think that of all people to see me like this ay si Gazer pa talaga ang napili ng mundo?

"Gazer... bring me back to my chatel. Please." I whispered, eyes closed from the pain of my head. Still, I can't help but feel at ease after feeling how my back landed on the soft comforters of a bed.

Isang matigas na 'hindi' ang narinig ko mula sakanya bago ko naramdaman ang kumot na pumatong sa'kin at ang pagsara ng pinto.

Doon ko pinilit na imulat ang mata ko't tumayo pero ilang beses ko man subukan ay napapangiwi lang ako dahil sa pagsakit ng ulo ko. Ni hindi ko na natignan kung nasa'n ako.

Kalaunan ay bumukas ulit ang pinto kaya napatingin ako ro'n at nakitang may hawak si Gazer na palanggana. Madilim pa rin ang tingin niya habang nilalapitan ako't naupo sa tabi ko. Wala sa'kin ang mata niya, nasa bimpo 'yun na dinampi niya sa palangganang may lamang tubig.

"Rest, Astra. Don't overwork. Mag-uusap tayo bukas," Lumambot ang ekspresyon niya, "For now, let me tend to you and whatever sickness you have."

"No... t-there's nothing to talk about. Take me back to the chatel, G-Gaze." Sagot ko bago palihim na kinagat ang loob ng bibig nang maramdaman ang pagsakit ng ulo ko.

Naulinigan ko ang pagkuyom ng kamay niya sa bimpo.

"Fine. If you want us to part ways, we'll part ways, but without any burden in our hearts. We need to communicate and talk about the boulders binding us inside, Astra. Ayokong bitawan ka na may hindi tayo pagkakaintindihan kaya mag-uusap tayo, sa ayaw at sa gusto mo." Aniya, siyang naging dahilan para kumirot ang loob ko.

Hindi na ko nakapagsalita o nakapag-isip gawa ng sakit ng ulo at pinikit na lang ang mata ko. Tuluyan na lang akong namahinga pero bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ang bimpong basa na humaplos sa leeg ko, balikat, at braso. Maingat ang bawat dampi nu'n, parang may pinapahiwatig, parang nahihirapan.

Bago ako magpatianod sa hila ng pagod at naulinigan ko pa ang pagtingin niya.

Nagising ako sa dampi ng ilaw sa mismong mata ko. Ilang beses akong napakurap do'n bago tuluyang rumehistro sa mata ko si Gazer na nakasandal sa may door pane at sa lalaking may puting coat na pinatay ang flashlight niyang nakatutok sa'kin kanina.

Agad akong napabangon, nanlalaki ang mata nang mapagtantong nasa'n ako at ano ang nangyari kagabi. Ni hindi ko na naisip ano ang itsura ako, dali-dali lang kong inalis ang kumot at akmang aalis pero nilingon ako ng lalaking nakawhite coat at may salamin.

Natigilan ako sa kablangkuhan ng tingin niya, parang galit pa siya bago niya nilingon muli si Gazer. Sinyenasan niya itong umalis muna, bagay na kunot-noong sinundan ng isa at ipinagtaka ko rin.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon