#KYLO33

33 1 0
                                    

» 33 «

Messages: Maricxie

Today 10:11pm

Ante gising ka pa
Please sana gising ka pa
May chika ako sayo

Oo
Hahahaha
Ano na naman yan

Salamat nagreply ka agad

Ano nga yun

Dre u wouldn't believe this pero nakita namin sila Stell sa Teppanya kanina
At di lang nakita ha, ang lapit nila samin
As in katabi lang ng table namin yung kanila

Omg
Tunay???

Gaga oo nga
Sent a photo
Ayan oh kumpleto silang 5

Shet hahahahahahaha
Oo nga 🤣

At di lang yan ang chika ko ha
Nakilala kami ni JM
Dre kinausap kami
Tinatanong ka samin
Kinukumusta ka kasi di ka raw nagrereply sa kanya
At ito pa
Mukhang bothered dre
Sabi ko naman kasi sayo replyan mo na HAHAHAHAHAHA

Dre alam mo naman kung bakit
Di sya pwedeng pumunta sa condo di ba
Mamaya may makapagpic na naman magkaissue na naman 🥲

Eh bakit kasi di mo sinabi sa kanya agad
Hindi yung para kang nangghost
Kawawa naman yung tao, kahit itanong mo pa kay JM mukha talaga syang bothered sa di mo pagrereply

Sure ka ganun talaga reaction nya?

Oo ngaaa
Tapos tinanong kung nasan ka
Edi sinabi naming umuwi ka sa Laguna
Pero don't worry di naman namin binigay yung address nyo kasi di naman nya tinanong

So pag tinanong pala sasabihin mo rin?

Syempre
Charot! Hahahaha
Ikaw kasi dre
Ilang araw na yata yung naghihintay sa reply mo kasi may ibibigay daw sayo eh gusto'y personal nyang maibigay
Sabi nga namin kahit kami na ang mag-abot sayo, ayaw naman
Taray
Gusto ka lang nitong makita I do believe

Yun nga ang iniiwasan ko sa ngayon
Saka alam mo naman yung nangyari dahil don sa nagpost ng pics di ba, ayoko nang maulit yung nangyari sa mall
Kahuhupa lang ng issue dre, ayokong bumalik na naman 🥲

I get your point pero dre, mas inam pa rin na sinabi mo sa kanya kung bakit di ka nagrereply
Kahit di mo naman obligasyon pero as a friend nya, deserve nyang malaman yon
Para di nya rin isiping baka galit ka sa kanya
Yun ang sabi nung 4 eh, sabi raw ni Stell baka galit ka sa kanya kaya ganon
Grabe pala yon mag-overthink

Shuta nahihiya tuloy ako sa kanya 🥲

Kaya ang sinabi ko ang totoo

Aling totoo?

Na hindi ka galit
Kinwento ko yung nangyari sa mall

Ay shuta
MARICXIEEE

Sorry not sorry dre 🤪
Sabi naman namin sayo ni Shai di ba, pag di mo sinabi sa kanila, kami ang magsasabi

😩
Mag-aalala pa ang mga yon dre e

Para replyan mo na sya kasi yun naman talaga ang dahilan kaya di ka nagrereply sa kanya di ba 😛
Saka ano ba
Sila yung magt-take action dyan para di na maulit
Anddd natrace naman na yung stalker ni Stell na nag-upload so nothing to worry about na

Hay nako

Kaya kung ako sayo, go na at makipagkita ka na
Alam kong namimiss mo na rin yan
Wag ako

Oo na
Jusko
Bukas pagbalik ko dyan sa Manila

Good kasi sabi ko rin sa kanya, iddm ko agad sya sa ig pag nasa condo ka na ☺️

Desisyonavility ka talaga kahit kelan 🤦

NAMAN 😙

Kept You Like An Oath | EpistolaryWhere stories live. Discover now