"Excuse me Miss. Do you want anything?" Tumingala ako at bumungad ang mukha na kanina ko pa kinaiinisan.
"No." I replied and looked back at my phone.
"Miss lagpas isang oras na po kayo dito at wala pa po kayong ino-order. Marami po ang costumer na nakapila. Restaurant po ito Miss hindi—" pinutol ko na ang kanyang pagsasalita. Oo na. Bwisit talagang araw 'to.
"I want a steak, carbonara and a bottle of wine." Tinignan ko ang menu pero wala na akong makitang nais kong kainin.
"May idadagdag pa po ba kayo?" Tanong sa akin ng waiter. Kumuha ako ng pang bayad. Hindi ko alam kung magkano lahat ng bayarin kaya pina-sobra ko na. Ayaw ko ng bumalik pa siya dito uli, baka matapunan ko na siya ng wine.
"Double my order. Thank you." Nilagay ko sa mesa ang pera at nginitian siya. Kita ang kanyang pagka-ilang. Nahiya ata sa sinabi kanina.
Tumunog ang cellphone ko at binuksan ang message.
Lovey sorry. There's an emergency here. I'm really sorry lovey. Babawi ako promise. I love you.
Binaba ko ang cellphone sa mesa. Napansin kong nagsitinginan ang ilang costumer sa akin dahil napalakas ang paglagay ko ng cellphone. Inisahang lagok ko ang natitirang tubig sa aking baso. Wala akong pake sa kung sino man ang makakita.
Bwisit na Franz 'to. Puro nalang bawi eh hindi naman ginagawa. Ano ako lending agency? Uutang siya ng panahon at hindi na babayaran? Bwisit. Bakit ba siya pa minahal ko? Ang tanga ko talaga. May pa 'i love you' pa siyang nalalaman. Kumg akala niya ay madadala pa ako sa ganun pwes nagkakamali siya. Bahala na siya sa buhay niya.
"Miss eto na po ang order niyo." Tinanguan ko lang siya.
Wala akong ganang kumain pero sayang naman ang pera na binayad ko. Nakakagutom maupo ng halos dalawang oras kakahintay sa wala. Bwisit talaga siya! Natigil ang pagra-rant ko at binigyang tuon ang kapaligiran.
Umihip ang banayad na hangin at nagsimula ang nakakakalmang tugtug ng gitara. Umilaw ang mga munting lamp sa paligid at natahimik ang kumakain para mapakinggan ng maayos ang musika. Ang ganda. Nakakakalma. Tumingala ako at nakita ang maliwanag na kalangitan. Ang daming bitwin. Ang ganda ng outdoor restaurant na'to. Mas maganda sana kung andito din siya.
"Happy 5th Anniversary to us Franz." Bulong ko na para bang maririnig niya. Nakakainis nga siya dahil sobrang busy na niya sa trabaho pero siya parin yung Franz na nakilala ko. Siya parin yung Franz na palagi akong iniinis.. Ang Franz na mahal at mimahal ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng mga panahong magkasama kami ni Franz ng may biglang kumalbit sa akin. Nakita ko ang dalawang batang babae na kulot ang buhok. Sa tingin ko ay magkakapatid sila.
"Hi mga dyosa. May kailangan ba kayo?" Ngumiti ako ng matamis sa kanila.
"A-ate h-hi po." Nauutal na sabi ng may tali ang buhok. Ang cute.
"Hi ate! Magandang gabi po. Bulaklak po para sa isang magandang diwatang tulad mo." Naglabas siya ng dalawang rosas at ngumiti ng pagka-tamis tamis. Kinalbit niya ang kanyang kasama at ito'y nag abot din ng rosas.
"A-ang ganda m-mo po." Binuhat ko ang batang nahihiya at pina-upo sa hita ko.
"Salamat. Ang ganda niyo rin. Saan kayo galing neto ah?" Tanong ko habang kinukusot kusot ang pisngo ng batang nasa hita ko. Ang sarap iuwi ng batang 'to.
"Secret ate. Lian tara na. Baka hinahanap na tayo ni tito." Lian pala ang pangalan niya. Ibinaba ko na siya pero bago ko sila pinaalis ay binigyan ko sila ng halik tig-iisang rosas.
"A-ate sa i-iyo 'yan." Saad ni Lian.
"Ang mga dyosa ay dapat may rosas." Nahihiya man ay tinanggap nila ito.
"Salamat ate! Lian tara na."
"Bye a-ate!"
Hindi na nawala ang ngiti ko kahit pa nawala na sila sa aking paningin. Kahit papaano ay naging masaya parin ang pagtatapos ng araw na'to.
********
Nakahinga ako ng maluwag pagtapak ko sa harap ng pinto ng aking apartment. Mabuti at naka-uwi pa ako matapos ang kalahating oras na paglakad-lakad sa park. Nakakapagod."Sira ba?" Ayaw umandar ng ilaw kahit ilang beses ko ng pinindot ang switch. Kailangan patingnan sa electrician. Another bayarin, takte.
"Sa wakas makakapahinga rin!" Humiga ako sa malambot na kama at nilagay side desk ang aking cellphone na nagsisilbi kong flashlight. Bakit pa ba kasi ako naglakad lakad sa park ng naka heels. Bakit pa ba kasi nagkaroon ng heels, nakaka-bwisit eh.
Pipikit na sana ako ng may marinig akong musika ng gitara. Hindi ko alam pero parang hinihila ako nito. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng pinto papuntang roof top. Doon nanggagaling ang mahiwagang musika.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Bubuksan ko ba dapat? Baka maka estorbo ako sa kung sino man ang naggi-gitara. Pero curios akong malaman kung sino 'to. Sa paglaki ng bukas ng pintuan ay ang paglapat ng aking paningin sa labas. Kadiliman ang bumungad sa akin at tumigil ang musika. Lumabas ako para mas makita ang kabuuan pero wala akong maaninag.
Hindi naman ako lasing dahil non-alcoholic ang wine. Papaano naging gan'to? Nababaliw na ba ako? O engkanto ba yun?
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang presensya sa likuran ko. Takte ayoko magkaroon ng admirer na engkanto! Mas gugustuhin ko pa tumandang dalaga kesa mag asawa ng engkanto!
Kung kanina'y musika ng gitara, ngayon naman ay mga boses at may mga mumunting liwanag ang papalapit. Napapitlag ako ng may humawak sa aking kamay."Sorry po manong engkanto. Hindi niyo po nanaisin magkaroon ng asawang katulad ko. Parang awa niyo na po iba nalang po gustuhin niyo." Kabado kong sabi. Ayokong lumingon at makita ang pagmumukha ng isang engkanto. Hindi ako lilingon mamatay man.
Nakarinig ako ng mahinang tawa sa paligid.
"Lovey..." nagboboses Franz pa talaga 'tong engkanto?
"Lovey..." ulit ng nasa likod ko. Sobrang ka boses niya si Franz pero hindi niya ako mauuto.
Napapikit ako ng may narinig akong kaluskos sa aking likuran. Yapak papunta sa aking harapan.
Malambot at pamilyar na kamay ang humawak sa akin. Dahan dahan akong dumilat at nagsisi ako sa desisyong ito.
"You're the only woman who captured me. Locked me in bars stronger than the Earth's mantle. And I am willing to be jailed by you in my lifetime. Chanteriel Rollon, are you willing for me to stay in your jail for lifetime?"
Tumulo ang luha ko at napatingin sa paligid. Nakangiting mga kaibigan, pamilya at katrabaho na may hawak na kandila ang aking nasilayan.
The moment I opened my eyes was regretful because I wasn't prepared to know."It's my pleasure granting your wish. You are now sentenced with a lifetime imprisonment with me."
This is the moment I knew that being in jail isn't a bad and depressing thing after all.[nemophila]
YOU ARE READING
The moment I knew
RomanceWill I be happy knowing something? Even if it had been kept a secret for years? [Taglish]