•••••• •••LITRATO••••••••••
'Pag kakamali lamang ang lahat' bulong ni Cassandra habang nanginginig sa tapat ng laptop niya. Isang larawan ang nag kalat sa buong social media, larawan niyang walang saplot.
Sari-saring kumento ang naruon sa post ng isang acc kung saan nag simula ang litratong nag kalat.
'kababaeng tao Baboy'
'walang galang'
'kabastusan'
'sana mabawasan ija ang tulad mo'Pambabastos, mapanakit na salita at iba't ibang mga kumento ng tao sa social media.
Nanginginig na tumayo si Cassandra sa upuan, tila ang buong lakas niya ay ninakaw.
Pinindot niya ang "live" at nakatayong tumitig sa camera. Dumami agad ang manonood nito. Bumungad sa harapan ng mga manorood ang walang saplot na katawan ni Cassandra na napaka kinis at tila balat mayaman.
"Sana alam niyo ang buong kwento,
Sana tinanong niyo muna ang kwento sa likod ng litrato" tinalikuran niya ang camera at nakita ang mga pasa at sugat na tila pinapahirapan ang kanyang likod. Mga hiwa, pagsunog, at iba pang marka ng pagdurusa.Muli siyang humarap habang nakatayo sa bintana.
"Sa pag kakataong ito hindi niyo 'ko maaalala dahil sa malaswang larawang pinost ni papa. Maaalala niyo ko dahil kayo ang dahilan ng pag bitaw ko sa pag papahirap na'to. Nawa'y tumatak sa mga isipan niyo ang araw na'to, ito ang araw na kayo ang naging hukom." pumikit siya't hinayaang mahulog ang katawan sa ika siyam na palapag ng kanyang condong nag silbing kulungan.
WAKAS