Ashleen's POV
Tahimik lang ako na nagmumukmok sa kwarto ko. Tanghaling tapat na at ito pa rin ako,nangangarap na sana hindi nalang ako nagising, kasi...ang hirap kapag masaya ka sa panaginip mo tapos bigla nalang didilat yung mata mo at makikita mo na naman yung mundo mong puno ng gasgas.
Maiisip ko na naman lahat.
Paulit-ulit ko na namang tatanungin yung sarili ko kung bakit sa akin nangyayari lahat ng ito?
Iisipin ko na naman siya. </3
Iisipin ko na naman kung kumusta na siya... Kung ano nang nangyari sa kanya? Kung okay lang ba siya? =(
Nakakainis.
Kasi.. Tatakbo at tatakbo pa rin yung oras tapos ikaw.. Napagiiwanan.. =/
Ang lungkot naman...
Ang lungkot lungkot...
Pinilit kong bumangon kahit sobrang tamlay ko at wala akong ka-gana gana.
Humarap ako sa salamin at nagbrush ng buhok ko. Pinipilit ngumiti para magmukhang tao.
Inayos ko ang itsura ko para naman magmukhang presentable sa harap ni Lola. Hayy...
Nang may kumatok sa kwarto ko.
Manang: Ma'am.. May mga bisita po kayo?
Ashleen: Bisita?
Manang: Opo Ma'am. Ang dami nga po nila.
Agad-agad naman akong lumabas at nadatnan ko silang lahat sa salas.
Lahat sila nakatingin lang sa akin at hinihintay akong lumapit.
Ashleen: Napabisita kayo? Anong ginagawa niyo dito? AH! MANANG! Padala nga po ng makakain nila.. Salamat po!
Manang: Opo Ma'am.
Lumapit ako sa kanila.
Ashleen: Maupo kayo. Maupo kayo :) Wala man lang kayong pasabi na dadating kayo. :)
Paul: Pasabi? Bakit? Naka-on ba phone mo? Wala ngang makacontact sayo dito.
Inis na sinabi sa akin ni Paul. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung inis na yun pero binalewala ko lang.
Ashleen: Anong pasya niyo?
Umupo ako sa harapan nila para makinig sa mga sasabihin nila.
Grace: Ashleen... Si Mark..
Ano na naman ba to?
Ashleen: Anong nangyari kay Mark?
Grace: Wala naman.. Pero.. Iniisip ka pa rin niya, Ashleen eh. Kausapin mo naman siya uh.. Magusap naman kayo.
Luis: Oo nga Ashleen... Maawa ka naman sa utol namin.
Lee: Minsan lang naman magmahal si Mark..
Ashleen: Nagusap na kami tungkol dun.
Paul: Usap ba yun? Dinispatsa mo nga agad eh.
Ashleen: Hindi ko siya DINISPATSA.
Grace: Ashleen. PLEASE. Baka naman pwede niyo naman ayusin yung inyo..
Ashleen: Hindi pa sa ngayon, Grace. Pasensya na talaga...
Wendy: Bakit hindi pa pwede sa ngayon?
Ashleen; Eh.. Alam niyo naman lahat yung sitwasyon eh..
Cathy: Ashleen. Hindi naman kailangan madamay pati yung kung anong meron kayo ni Mark eh...
Ashleen: Aayusin ko muna yung sarili ko. Pag naayos ko na yung sarili ko, pag naayos na yung pamilya ko, pangako, babalik ako. Babalikan ko LAHAT kayo dun. Aayusin ko yung sa amin ni Mark. Aayusin ko yung sa atin.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?