Mark's POV
Nasa bakuran ako at tahimik na nagiisip. Inaalala ko yung mga oras na magkaibigan palang kami ni Ashleen... Yung mga panahong nililigawan ko palang siya... Yung oras na sinabi niya sa aking mahal niya ako... At yung mga moment namin na sobrang saya namin... Yung walang iniisip na iba kundi KAMING dalawa lang.. Walang problema. Walang sagabal..
Wendy: Mark! Andito ka lang pala! Akala ko lumabas ka na naman e. Nakahanda na pala yung gabihan natin, tara na.
Mark: Wala akong ganang kumain.
Hindi ako lumingon sa kanya. Wala naman talaga akong gana kaya ganun. Narinig ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Maya-maya. Narinig ko na naman yung mga yapak niya papunta sa kung nasaan ako nakaupo.
Nilapag niya yung tray ng pagkain sa harapan ko.
Mark: Ano na naman ba to, Wendy?
Inis kong naitanong sa kanya.
*Wendy crossed her arms*
Wendy: PAGKAIN.
Pamimilosopo niya.
Mark: Wala ako sa mood para makipagpilosopohan saiyo kaya pwede sagutin mo naman yung tanong ko ng maayos?
Wendy: Alam mo.. Ang sungit mo, Mark.
Napailing nalang ako. Nababanas kasi ako.
Wendy: Kailangan mo nang kumain. Hindi ka na kasi kumakain ng tama.
Mark: Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Ang sabi ko, wala akong ganang kumain.
Wendy: Pero KAILANGAN mong kumain, kaya KAKAIN ka sa ayaw at sa gusto mo.
Mark: Nanay ba kita?
Wendy: Bakit? Nanay mo lang ba ang pwedeng magpakain sa iyo?
Mark: TUMIGIL ka na nga!
Wendy: O gusto mong isuksok ko pa sa lalamunan mo yung kutsara na yan?
Mark: AYOKO NGANG KUMAIN!!
Napatayo ako at napataas ang boses ko sa pagkakataong iyon.
Wendy: Bakit ka ba ganyan, ha? Mark?
Mark: Kasi ganito ako. E ikaw? Bakit ba masyado kang concern na concern sa akin?
Wendy: Hindi to tungkol sa akin. Tungkol to sa iyo.
Tumataas ata ang dugo ko sa babaeng to.
Wendy: Ang TANGA mo. Alam mo ba yun?
Mark: Bawiin mo yang sinabi mo.
Wendy: Hindi! Totoo yun. Ang O.A mo, ang TANGA mo, ang martir mo!
Mark: Bawiin mo kako yang sinabi mo!
Wendy: Bakit? Di mo matanggap? Pwes, tanggapin mo dahil iyon ka!
Hindi ako nakasagot.
Wendy: Mark, hindi guguho ang mundo dahil lang iniwanan ka ng taong MAHAL mo.
Mark: ....
Wendy: Hindi pa magugunaw ang MUNDO. Hindi pa tayo mamamatay. Magpapatuloy ang pagtakbo ng oras at lahat pwedeng magbago sa isang iglap lang..
Mark: Alam ko. Kaya nga hindi ako kumakain.. Kasi gusto ko nang mamatay.
Wendy: Yan ang O.A. At alam mo kung anong parte ng katangahan diyan sa pinaplano mo? Nagpapakahirap ka pa. Gusto mo na palang mamatay e? TUMALON ka sa building. Saksakin mo yung sarili mo. Mag-drugs ka. Lasunin mo sarili mo. Barilin mo sarili mo. Magbigti ka. Magpalunod ka. Kumai----
Mark: YOU SHUT UP! Sh*t!
Wendy: Shit ka rin, gag*. Hindi ka agad agad mamamatay kung magpapagutom ka lang. Umiinom ka naman ng tubig, pano ka mamamatay? Nagsasuggest lang ako ng mas epektib na paraan para maging mapadali na yang binabalak mo, ayaw mo pa?
Mark: UTANG NA LOOB, TUMAHIMIK KA NA!
Wendy: An--
Mark: TUMAHIMIK KA NA! TUMAHIMIK KA NA! TUMAHIMIK KA NA!
Sigaw ko sa harap mismo ng pagmumukha niya. Nakita ko yung pagkabigla niya sa hiyaw ko at nangilid na rin ang mga luha niya... Ganun din ako. </3
Maya-maya. Nakita ko nang nagpupunas siya ng luha sa mga mata niya. Pero hindi pa rin nawawala yung inis ko at hindi ko alam kung bakit. Sinipa ko yung upuan sa likuran ko at inihagis ko yung pagkain na nasa tray. Dala siguro ng matinding galit </3
Wendy: Tama na, Mark..... ='(
Mark: Peste naman... =(
Wendy: Tumigil ka na!
Mark: Hindi ako susuko, tandaan mo yan! Isaksak mo yan sa kokote mo kaya wag mo kong diktahan sa dapat kong gawin!
Wendy: E kung sabihin ko sayong nagpunta na kami sa Maynila kanina?
Maynila?
Mark: Anong ibig mong sabihin?
Wendy: Nakausap na namin si Ashleen.
Mark: Anong sinabi niya? Ha? Anong sinabi niya?
Wendy: Ayaw na niyang makipagusap sayo.
Mark: Anong ayaw? Hindi totoo yan. Hindi totoo yan!
Wendy: Ayaw na niya ng kahit anong komunikasyon sa pagitan niyong dalawa..
Mark: ...
Wendy: Ayaw na niyang pagusapan ang tungkol sa inyo..
Mark: Hindi ako naniniwala sayo.
Wendy: At ayaw na niyang makipagbalikan pa sayo.
Mark: WENDY. Bawiin mo yang sinabi mo.
Biglang tumulo yung luha ko sa mata ko nang hindi ko man lang namamalayan.
Wendy: Alam mo, hindi ko alam kung hanggang kailan mo paiiralin yang pagiging TANGA mo.. Pero sige, kung ang pagbawi ko sa mga sinabi ko ang paraan para maging MASAYA ka at UMASA ka sa wala, sige.. BABAWIIN KO NA. Sige. Makipaglokohan ka pa sa katotohanan.
Mark: ..........
Wendy: Iniwan ka na ni Ashleen.
Napapailing nalang ako sa mga sinasabi niya.
Wendy: Bahala ka na. NagpapakaKAIBIGAN lang naman ako sa iyo.
At padabog siyang umalis sa harap ko.
Totoo ba yung sinabi niya? :(
Totoo bang ayaw na talaga ni Ashleen?
Hindi pwede :'( Hindi ko kaya :'(
------
Next Chapter---> Desperate Mark.
Subaybayans ~ :)
Sorry for the slow update :(
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Novela JuvenilLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?