GIN POV*yawn* Antok na antok na ako habang nagtatype pa rin sa documents na pinagawa sa'min. Malapit na akong matapos eh. Kunting kembot nalang.
Inihinto ko muna yung pagtatype ko at biglang tinignan yung wrist watch ko, nang biglang....
*broooooooook*
"Nako! Nakalimutan ko palang kumain. Paano ba to?" Sabay hawak sa t'yan ko na tumutunog na dahil sa gutom. Pa'no ba naman almost midnight na then hindi man lang napasukan ng kahit isang butil ng kanin tung nagwawalang alaga ng t'yan ko.
Ipinag-sawalang bahala ko muna yung t'yan ko at ipinagpatuloy yung ginagawa ko.
Nagulat ako nang biglang nagvibrate yung phone ko sa table ko. Kaya naman chineck ko muna ito saglit. Napangiti ako ng mabasa yung mensahe at lalo na sa pangalang naka rehistro dito.
From: Besh-Panget ^-_-^
"Huy lalaki! Ingat ka jan ha! Kumain kana din. May iniwan akung pagkain kay Manong guard. Sayo yun! Don't worry binigyan ko rin si Manong dahil alam kung ibibigay mo yan sa kanya kung sakaling hindi ko siya nabigyan. Ikaw pa! Kilala na kita lalaki! Kaya ingat ka kay Manang black lady jan sa tabi mo! Hahaha! Joke lang! \/ Ubusin mo yan kung hindi...wala lang! Pakabusog ka payatot para tumaba kana. Uy masyado na itong mmk. Magdedeposit muna ako. Hahaha. Bye na!"
"Gag* talaga yung panget na yun! Tinakot pa ako! Tsk!" Habang matawa-tawa ako.
Naisipan kung bumaba muna sa guard quarters para kunin yung pagkain na iniwan ni panget sakin.
Habang nasa elevator ako. Inulit-ulit kong binasa yung text niya sa'kin. Natatawa talaga ako.
"Ano ba naman to! Baliw na yata ako! Jay ang panget mo talaga!" Sabay ngiti ko. Ano na kaya ginagawa nang gung-gong na yun! Ay! Malamang nag-eeri na yun.
***
"Manong, may iniwan po ba si Jay ditong pagkain ko?" Tanong ko kay Manong guard nang makarating ako sa quarters nila.
Bigla naman siyang napatayo agad sabay abot ng isang supot. Isa ito sa mga sikat na fastfood chain dito sa pinas. Familiar naman siguro kayo sa Jollibee diba?
Tinanggap ko naman agad ito sabay nagpasalamat. Papatalikod na sana ako nang biglang may pahabol pa si Manong.
"Maam pinapasabi rin po pala ni Sir gwapings na mag-ingat ka raw. Magtext kana rin raw sa kanya kung magpapasundo ka sa kanya o hindi." Saad ni Manong Guard.
Natawa naman ako sa sinabi ni Manong guard paano ba naman. Sir gwapings daw?
"Oh siya. Maraming salamat Manong! Kain kana rin po. Ingat kayo." At naglakad na ako palayo sa guard quarters. Pabalik na ako sa floor ng office namin.
Nasa elevator na ako ngayon at hinihintay ko nalang makalapag sa floor namin. Kaso may makikisabay yata sakin dahil hihinto pa yung elevator sa 15th floor. Papunta rin yata siya sa floor namin.
Naisipan ko munang maglaro ng COC sa phone ko habang nakayuko. Ibinaba ko na muna kasi yung dala kong supot sa lapag.
Hindi ko na pinansin yung pumasok sa elevator na kasabay ko na ngayon dahil busy ako sa kakalaro ng COC.
Kung hindi pa tumunog yung elevator. Nako! Nakalimutan ko na sanang babalik pa ako ng opisina namin.
Yumuko uli ako para kunin yung supot na dala ko sabay lumabas ng elevator.
Nilingon ko pa yung elevator bago naglakad. Wala na kasi dun yung kasabay ko kanina.
Ipinag-sawalang bahala ko nalang yun at diretso na ako sa pag-gawa ng documents habang kumakain.
Natapos na akung kumain at natapos ko na rin yung documents na pinagagawa sa'kin.
"Hay! Pagod na pagod na talaga ako." Habang nag-uunat ako.
Unti-unti nang bumibigat yung talokap ng aking mata...hanggang sa dumilim na ang aking paligid..
BINABASA MO ANG
The Sossy Chic turns Ordinary
Teen FictionWhat happen If the girl who lives like a princess will turns into a ordinary girl? And because of the accident she'll forget all of her memories even the first guy she loved. Would she be remembered all her memories? Or she'll just stay in her new w...