ᛕꪖ᥇ꪖꪀꪖꪻꪖ ᦔꪖꪶꪖ᭙ꪖ

8 0 0
                                    

Nang makauwi ako ay sinalubong ako ng aming mga kasambahay kasama ng aking lolo't lola. "Welcome back Señorita Leigh." Masayang bati ng lahat ng mga kasambahay. Nakikita sa mga mukha nila ang pagkagalak nang ako'y makita. Matagal-tagal na rin simula ng umalis ako sa bansa kaya alam kong namiss nila ako.

"Welcome back apo. Natutuwa ako't nandito ka ulit sa pilipinas. Hindi na kami malulungkot ng lolo mo kasi may makakausap na kami." Masayang sambit ni Mommyla.

Imbis na maging masaya ay naiiyak ako sa sinabi nito. Simula kasi nung i-manage ni Dada yung company ni Tito Topher sa New York ay sinama nya na kami paalis ng bansa. Naiwan dito sa pilipinas sina lolo't lola ko sa father's side ko kasi ayaw nila ng buhay amerika, mas gusto daw nila mamalagi dito dahil hindi sila sanay sa ibang bansa. May mga time na bumibisita sila sa amin pero hindi tumatagal ng 2-3 araw dahil hindi nila matagalan ang klima doon. Si Tito Topher lang ang kasama nila sa pilipinas dahil ang pamilya ni Tito ay nasa Canada kasama ang mga kamag-anak ni Tita Maui na asawa ni Tito.

The truth is my parent's mother both side are actually American, pero si Mamay Fely lang ang tumira sa US. Laking pilipinas kasi si Mommyla Marga dahil nag stay na for good ang family ni Mommyla sa pilipinas. Retired US Army ang Father ni Mommyla at half-american naman ang napangasawa nito dito sa pilipinas. Dito na sila bumuo ng pamilya at business.

"Sorry 'la, ngayon lang ako nakauwi dito. Don't worry hindi na po ulit ako maninirahan sa New York kasi nakausap ko na naman po si Dada and Momma, and pumayag naman po sila. At saka para na din po may kasama kayo dito. Hehe namiss kita 'la, kayo ni Daddylo." Naglalambing kong sabi dito sabay yakap sa kaniya. "Thank you po sa inyong lahat. Masaya po akong makita kayo ulit." Ani ko sa mga kasambahay namin.

"Napakaswerte talaga namin sa'yo apo. Maganda ka na, mabait pa. Sana'y makahanap ka ng mapapangasawang mamahalin ka't pahahalagahan." Natutuwang sambit si Daddylo.

"Daddylo, bata pa ako. Bat napunta kaagad sa pag-aasawa yung topic n'yo? Tsaka, mahihirapan akong makahanap ng asawa, bago pa kami ikasal ay baka sumuko na s'ya. Puro lalaki ba naman kapatid ko ay malamang sa malamang ay matakot na yung asawahin ako." Natatawang biro ko.

"Tama ka d'yan apo. Dapat lang na dumaaan muna sa kamay namin ang magiging asawa mo, ikaw ang prinsesa ng pamilyang 'to e. Kikilatisin muna namin ang mapapangasawa mo bago ka n'ya makuha sa'min. " Tumango-tangong sabi nito.

"Naku Anak! Buti na la'ang ay dine ka na pipirme. Masyadong malungkot ang mansyon kahit marami kaming tao rito. Sana nga ay dine na rin manirahan ang Kuya Liam at Ely mo para kayo'y sama-sama rito." Natutuwang sambit ni Nanay Mila.

Si Nanay Milagros ang mayordoma namin. Para ko nang pangalawang ina si Nanay Mila dahil bago pa sya maging mayordoma ay s'ya ang naging yaya ni Momma noong 3 taong gulang pa siya. Bata pa nang mamasukan sa pamilya namin si 'Nay Mila dahil sa kahirapan ng pamumuhay noon, 14 years old lang 'ata s'ya. 55 na si 'Nay Mila ngayon at balak n'yang magretiro pagkaapak n'ya sa edad na 65.

"I don't know po if my kuya's will stay here for good. Tinutulungan po kasi nila si Dada sa mga businesses do'n eh. Nagpapayaman ata yung dalawa." Natatawang tugon ko rito na kalauna'y tumawa ang huli.

Patuloy kaming nagkukwentuhan kasama ang mga kasambahay namin nang biglang may tumawag sa aking telepono.

"Mommyla, excuse lang po, I'll just answer this call." Paumanhing sabi ko rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Dirty Little Secret Where stories live. Discover now