Chapter 4: Assignment (Flashback)

364 29 14
                                    

Four years ago . . .


Harvey

Hey :) Good morning!

Free daw ba kayo ulit?

Fine actually ako lang nagtanong

Really hoping forward to meet you again

Sana naman hindi kita sa quiz bee makita no?

Basta if youre free, text me ayt?

Or reply to my message sa fb. Hindi nagbublue so baka hindi ka lagi online.


Siguro isang linggo na rin 'yung huli niyang text. Akala ko nga, hindi na siya susuko. Siguro naman, sa hindi ko pag-reply, ma-gets niyang hindi pa talaga ako ready sa dating scene o sa kahit anong relationship—maski friendship pa 'yan—with guys. Takot talaga ako sa parents ko.

Weirdly enough . . . kapag tutunog ang phone ko, I subtly hope that it's from him. Nakakatawa na ako 'tong hindi sumasagot, tapos ngayon e aasa akong magme-message pa rin siya. Lol. If he's really smart, titigilan na niya. Maski naman ako, I won't waste my time on someone who doesn't put the same effort . . . I guess.

Ewan. Di ko alam kung iyon talaga ang gagawin ko kung mangyari man sa 'kin. Pero sa ngayon, alam kong hindi.

"Are you still receiving messages from Harvey?" tanong ni Cassy. Nakatambay lang kami sa usual naming tinatambayan after school habang hinihintay ang kanya-kanya naming mga school service.

Simple lang naman sagot ko: "Nope."

"Di kasi niya sinasagot," sabat naman ni Quinn. "Buti pa sa 'yo, nag-text. Sa 'min, wala pa ring paramdam."

"At two weeks na!" sigaw ni Brianne. "My gosh, alangan namang ako unang move, di ba?"

"Ako unang nag-text. Masama ba 'yon?"

"Ewan. Siguro may pam-boost lang ng ego if sila."

"Exams week nga kasi nila," singit ni Cassy sa usapan nina Brianne at Quinn. "And magtu-two weeks pa lang. Not exactly two weeks."

"Bakit si Harvey nakakapag-chat kay Aelle?" tanong ni Quinn.

"Haler? Kasi type na type niya si Aelle," sagot ni Brianne. "That's it. At least si Cassy, nagpaparamdam kahit papa'no si Adam. E, tayo? Ugh!"

"Alam mo . . . feeling ko mali 'yung narinig ni Jason na number. Cassy, tanong mo nga kay Adam."

"You want me to call him?"

"Sige!" sabay nilang sinabi. Dagdag nga lang ni Brianne, "Pero huwag mo ipahalata na tinatanong namin, please?"

"Nandiyan na school service ko," sabi ko. "And, girls, remember, exam week na next week. Studies before boys."

"Yes, Sister Aelle," sabay-sabay silang sinabi. Ngumiti lang ako at umirap nang pabiro bago sumakay sa school service.

Napatingin lang ako sa cell phone ko, hindi rin alam ang ine-expect. Sa sobrang nabagabag ako na naghihintay ako ng message mula sa isang tao na alam kong ako namang ako mismo ang nagtaboy, pinatigil ko ang service.

"Kuya," sabi ko. "Sa may coffee shop na lang ako."

"Nagpaalam ka ba kay Madam Malaya?"

Siyempre alam kong under ang school service driver namin sa parents namin, at under kami ng responsibility nila. Kaya sa harap niya, tumawag ako kay Mama.

"Ma," bati ko kaagad nang sinagot niya 'yung ring. "I asked kuya to drop me off at the coffee shop in front of our school."

"O, why?"

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon