on the peak of over again

757 17 4
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FIFTY-ONE
on the peak of over again
━━━━━━━━━━━━━━━━

Trusting again is the hardest part after the betrayal. I started having doubts, I can't even form good bonds without overthinking how things will turn out or will it even turn out kinder than what I experienced? I even had a lot of thoughts regarding what I lack to deserve what they did.

Betrayal after all has an impact that can't be erased by anything. Ang hirap magtiwala ulit kapag ganu'n. Ang hirap maniwala sa mga salita nila lalo na't sobrang irasyonal ko pa naman at hindi na ako nakikinig sa iba kapag may nalaman ako.

Pero bakit isang paliwanag lang ni Gazer ay parang bibigay na ako? Ganito ba talaga ako karupok pagdating sakanya? Ganito ko na lang ba siya papatawarin? Ganito ko ba siya kamahal?

On the other side of the coin, he already explained. He vowed to come back to me. He gave me enough time to think things through. He risked letting me go even when I gave him no assurance that I'll forgive or listen to him. He sacrificed us for leisure... for my leisure, all while following me here and there to make sure that I'm well.

"Ast..." Mahina niyang bulong ulit, nagsusumamo ang tingin niya sa'kin habang hawak-hawak ang kamay ko.

He's still on the floor while I'm sitting on the sofa. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko't hinihimas 'yun. Nakatingala siya sa'kin at nangungusap ang mga mata.

Doon ay sinulit ko ang oras na pakatitigan siya. Halatang wala siyang tulog dahil halos magkulay dilaw na ang mata niya. Ang noong medyo makapal niyang kilay ay mas kumapal ngayon, gayon din ang pilik-mata niyang matagal ko ng kinaiinggitan dahil sa haba. Medyo maputla na ang labi niya pero bumagay pa rin 'yun sa kompleksyon niya. Ngayong pagod siya tignan ay mas lalo siyang gumwapo.

Pero nang sandaling 'yun ay hindi ko alam pero bigla kong naalala 'yung facebook post niya. Pumait ang pakiramdam ko dahil do'n.

"Tell that to the woman you are with in your facebook post." Umirap ako, bagay na ikinaawang ng labi niya. Ilang minuto siyang natuod. Kalauna'y napalitan din 'yun ng hindi-makapaniwalang tingin niya sa'kin.

"So... you saw it? But no, it doesn't matter. You're confusing me now. I mean, you pushed me away weeks ago kaya nakapagtataka 'yung reaksyon mo ngayon. Ang tagal ko ng pinost 'yun, ah? Natutuwa nga ako pero... tell me, Astra, are you playing with me? Or are you jealous?" Isang ngisi ang nakita kong pinigilan niyang pakawalan.

Sumimangot ako, "Bakit ako magseselos?"

His grin widened, "Because you love me."

My disbelief skyrocketed. The confidence of this man!

"Anong 'you love me' 'e papitiks-pitiks ka nga lang? Gago!"

Napakurap siya sa pagmura ko.

"Ast, it's not what you think." Mahinahon niyng sambit.

Hinigit ko ang hininga, "It's just so overwhelming that I wasn't able to decipher anything at all. Hindi ko alam ano gagawin ko. Tapos malalaman ko pang-!" Nabasag ang boses ko, "Malalaman ko pang ikaw mismo ang babasag sa sinumpa mo last time! Kaya oo, tama ka! Nagseselos ako! Ano naman ngayon?! Not what you think, not what you think ka riyan!"

Mas lalo siyang nagulat at napanganga sa pagpapalatak ko pero wala akong pakialam! He even smiled then and it showed all the emotions he had! Mas lalo akong nainis dahil tuwang-tuwa pa siya! That picture got me so frustrated and pisses me off dahil nasa comments pa nagsasabing bagay silang dalawa! May anak na 'yan si Gazer sa'kin kahit hindi niya pa alam kaya nakakainis lang makita 'yun!

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon