━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FIFTY-FIVE
'til end comes nearnote: umabot 'to ng halos 13k
words. yes, mahaba 'to. mahaba
pa sa pasensya ko. next chapter
is epilogue. <3
━━━━━━━━━━━━━━━━GAZER'S POV
Love has always been a mystery to me. I think of it pretty differently than most of the time. And maybe because I grew up witnessing it around me, I never really feel strongly about it. I thought it's like something I can't feel, something foreign, and a feeling who's too good to exist yet was too beautiful not to.
For me, love is what you call the feeling when two polar hearts are bound by something beyond fate. It's like a feeling where none of the hearts can never let go the other, none of the two can ever live without the other, and none of them can move forward because the other halves of their full piece are lost.
Love is like a world full of bliss, yearning, desire, and everything that brings solace. To risk, sacrifice, and pain were also one of the few things it can bring.
Naramdaman ko na 'yan noong highschool ako pero hindi naman nagtatagal. Hindi ko kinaya 'yung sakit na binibigay ng pagmamahal namin sa isa't-isa kaya sa huli ay nakikipaghiwalay ako kahit alam kong masasaktan kaming dalawa. I know, I think I'm just infatuated but it at least brought me comfort.
Hindi na ako nagmahal simula nu'n. Tumuntong na lang ako ng College na mas inuuna ang pag-aaral kaysa sa pagmamahal. 'Yan lang naman ang direksyon ng buhay ko kahit na pakiramdam ko ay may kulang sa ginagawa ko at sa buong buhay ko.
Lumaki ako at ang kapatid ko sa puder ng mga taong mabubuti ang loob. Hindi sila nagsinungaling sa'min na hindi nila kami anak pero nang tanungin namin sila patungkol sa totoo naming magulang ay hindi rin nila magawang masabi ang totoo.
"Napulot lang namin kayo sa may tulay noong kasagsagan ng bagyo." That's their answers and I find it absurd. Parang joke pakinggan.
I know something's missing, but by the way they raised us and the way we received so much from them? I didn't bother questioning the past anymore. Kuntento na ako sakanila liban na lang 'nung nagkasakit ang nakababata kong kapatid.
Nag-aaral ako palapit ng kolehiyo nu'n pero dahil sa kahirapan ng buhay ay pinilit ko ang mga magulang ko na magtrabaho. Hindi sila pumayag pero buo na ang desisyon ko para makatulong. Hinahati ko oras ko sa construction at sa pag-aaral. Araw-gabi akong nagtrabaho kahit anong saway pa ng mga magulang ko. Naging gano'n ako hanggang sa tumuntong ako ng College.
Naging maayos panandalian ang kapatid ko. Kaya pagkatapos nu'n ay kampante akong lumuwas para ipagpatuloy ang pag-aaral atsaka magtrabaho. Dahil nga mang wala ako masyadong experience ay nag-trabaho lang ako bilang clerk sa isang kainan malapit sa USLS, sa CASA 2375. Sobrang hectic ng schedule ko lalo dahil do'n. Ni oras ko sa pagtulog ay naging tatlong oras na lang. Tipid din ako sa pagkain kasi medyo may kamahalan ang renta sa apartment.
Because of those responsibilities, I never really get to experience what "love" feels like simula noong huli akong nagmahal kuno noong high school ako.
Hindi rin naman kasi ako sikat o ano. Payatot ako masyado dahil na rin siguro sa sobrang pagka-unhealthy ko noon kaya talagang hindi na muna ako naghangad ng taong mamahalin ako at mamahalin ko.
BINABASA MO ANG
Boulevard to Polaris (Virago Series #1)
Любовные романы━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra told by many. Aster Ray Madrigal emboded that. She is forever an embodiment of perfection, like a star to gaze upon. Beauty, brains, sophist...