Sayang (Short Story)

57 3 0
                                    

Written By: Zer0_Green

*******

Sayang na Sayang Talaga......

Nagsimula ang lahat ng iyon nung naging kaklase kita, Maingay ka nga, ikaw na talaga ang joker sa Klase, Walang nagkakagusto sayo na mga babae dahil Masungit ka pagdating sa mga babae, Single ka pa nga eh

Sayang Kasi Gwapo ka pa naman

Oo may crush ako sayo pero natakot akong sungitan mo ako, natatakot akong ma end ang friendship natin.. hindi rin naman kasi ako puwedeng magkagusto sayo kase,

Sayang May Crush Kang Iba

Habang Dumadaan ang crush mo, kinikilig ka at Pumepreno ka naman, Hindi maalis ang nararamdaman kong selos, Oo nagseselos ako at nakakatawa yun dahil May Gusto na ako, nagustuhan na kita

Sayang Nagustuhan mo narin siya

Lage mo siyang bukambibig, Lage nalang siya siya siya! Gusto ko na sanang magtapat sayo kaso naduduwag ako baka sungitan mo ako at 0% talaga ang chance na Maging tayo tsk

Sayang Kasi Mahal Mo na siya

Minahal mo na siya, Pero natotorpe ka parin, natatakot ka na baka mareject ka, eh yan din ang nararamdaman ko, natatakot rin naman ako dahil alam kung Himala na maging tayo at maging kayo dahil May Iba na ang mahal mo. Umiiyak ka lage at ako naman lage ang nagpapatahan sayo at nagbibigay ng lakas ng loob dahil bestfriend mo naman ako, at hanggang bestfriend lang tayo

Sayang Bestfriend Lang Ang Tingin mo Sa Akin

Lage mong inaaway ang shota ng mahal mo, eh ikaw rin naman ang kawawa dahil hindi naman ikaw ang tutulongan ng mahal mo, naaawa na ako sayo dahil lage ka nalang pinapahiya ng mahal mo

Sayang, Bakit Mahal na Mahal mo siya?

Alam kong mali itong nararamdaman ko sayo pero hindi ko mapigilan kasi ang sweet sweet mo sa akin, Hina hug mo ako lage, tinatawag mo akong Bess, nagmumukha na tayong magshota

Sayang Kasi Nagmumukha lang

Ikaw na ang bumili ng Gown Ko para sa Prom, at susuotin ko dapat para hindi daw masayang ang pera mo, eh sinabihan ba kitang bilhan mo ako? Pero ang nakakatawa ay kinikilig ako.... Alam na alam mo talaga ang size ko pero

Sayang Hindi ako ang kadate mo sa Prom

Nakarating ako ng Prom ng walang date dahil gusto ko ikaw lang, sigh, pinakilala mo sa akin ang date mo at shotek, Yung mahal mo ang kadate mo, Anong nangyare sa shota ng mahal mo? Break na sila at naging kayo? Nalungkot naman ako nun

Sayang Hindi mo ako naisayaw

Sinabi mo sa akin na blinockmail mo lang siya para makadate mo, ang sama mo rin noh? Pero nagsorry ka naman sa akin na hindi mo ako naisayaw, Niyakap mo naman ako at kusang nagpatibok ng puso ko, siguro, mahal na kita
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sayang

.

.

.

Bakla ka kasi

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon