I. Les Fordes

53.6K 758 81
                                    


TITLE: LES FORDES
GENRE: Fluff
KrisTV guesting where the couple talked about French food, their three kids, their future plans, kung gaano na sila kayaman at ilang babies talaga ang gustong i-aim ng isang Daniel Padilla.

**************

KRISTV TITLECARD

*Restaurant façade*

*Doors being held open by smiling personnel*

*Video footage of various food and restaurant interior*

***Kris Aquino Voice- Over starts.

'Situated in the heart of Makati is a fine dining restaurant which showcases French cuisine with a twist. Eto ang 'Les Fordes' na pagmamay- ari ng mag- asawang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo- Ford. Oo sila nga ang tinaguriang Teen King and Queen of Philipine Entertainment come 6 years ago. Wala man sila sa limelight ngayon, ibang career naman ang ginagampanan nila as parents sa kanilang tatlong kids na sina Danilo, DJ II and Chandrika Kendra. Bukod dito, kilala na rin ang mag- asawa bilang mga young entrepreneurs dahil sa kabi- kabilang business na pagmamay- ari nila.'

***Voice- Over ends.

'Hi!' Kris greeted in her usual jovial tone.

'Hi Ninang!' Bati rin naman ni Kathryn.

Kasalukuyan silang nakaupo sa harap ng isang table which was laden out with different kinds of dishes.

'Si Deej?'

'Nasa kitchen po.'

'Ay sya talaga yung nagluluto?'

'Hindi everyday Ninang. Pag hindi sya busy, pag wala syang pasok, ganyan, pumupunta sya dito tapos sya ang nagluluto.'

'O Darla, si DJ ang nagluto nitong mga 'to. Ubusin mo ha?' And Kris finished it with a laugh.

Kinuha ni Kris ang nakatuping table napkin sa ibabaw ng mesa at inihatag iyon sa kanyang kandungan.

'What's this?' Tanong nito habang nakaturo sa isang plato.

'Yan? Souffle Au Fromage Ninang. Tapos this one is Coquille Saint- Jacques. And then the one right there is Gougeres. Bale yan yung mga pinrepare namin for you na appetizers. Pero marami pang iba kaso, yan lang yung ni- request mo. Haha.'

'E kasi nung nakita ko yung menu, teka...' Kris laughed. 'Bakit natatawa ka dyan Darla? Ha?'

'Tina- try ko kasi bigkasin yung mga pangalan Madame! Ang galing mag- French talk ni Kath!' Darla answered from the sidelines.

'Inaaral yan Darla. Pag talaga culinary, pati dila pinapalambot. Ok. So going back, eto yung mga ni- request ko kasi mas na- curious ako sa kanila. At tsaka diba, hindi lang normal na French food yung sine-serve nyo? Sabi nga, French cuisine with a twist. So ano yung twist?'

'Uhm, bale Ninang yung twist is we're Filipinizing the French dishes. Kumbaga, we're adding a Filipino touch dun sa mga food. Like, for example yang Saint- Jacques, if yung traditional French recipe yung iffollow mo, Scallops sya sautéed in different kinds of spices. So ginawa namin syang Flilipino, we used Talaba.'

Tatango tango lamang si Kris habang tinitikman ang mga nakahain na pagkain.

'Ay ang sarap. Winner.' And she did a clap.

Dumaan pa ang ilang sandali na ipinapaliwanag ni Kath kay Kris ang mga inilalabas na pagkain nang dumating na si DJ na dala dala ang isang tray na may malaking bowl.

'Oh, Hi Deej! Upo ka dyan sa tabi ni Kath.'

'Hello po.' Bati nito matapos ibaba ang bowl sa mesa.

'Ano yang dala mo?'

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon