1: I'm Just a Reject

11 0 0
                                    


***

'Wala. Ganyan ka na lang.'

'Diyos ko naman. Kailangan pa ba 'yon?'

'Wow. May pangarap ka din pala?'

'Huwag ka nang mag-aral, ganun din naman eh.'

'Hirap ka nga makapasa ng high school, college pa kaya?'

'Ano namang kurso kukunin mo eh wala ka namang alam gawin.'

'Hoy babae, wag kang feelingera. Entrance exam pa lang, laos ka na eh.'

'Kung gusto mo edi gawin mo. Basta wag kang umasang matutulungan kita.'

'Tingnan mo nga yang itsura mo. Mukha kang maton, girl. Kaya mong magbasa ng libro?'

Napahigpit ang hawak ni Kit sa ballpen na gamit niya. Bakit ba kung kailan kailangan niya ng suporta tsaka naman nagkakawalaan ang mga taong gusto niyang hingan nito?

Walang mga pake, nakakainis.

"Kasalanan ba kung gusto kong mag-aral?" Naiinis na tanong niya sa sarili. Kanina pa niya pilit na kinukumbinsi ang sariling hindi niya kailangan ng ibang tao para gawin ang gusto niya at kanina pa rin nagpe-playback sa isip niya ang mga dahilan kung bakit hindi niya kayang gawin mag-isa.

1. Wala siyang pera.

2. Hindi niya alam kung anong kukunin niya.

3. Ni wala nga siyang ideya kung saan siya mag-aaral eh.

4. Wala siyang pera.

5. Hindi niya alam kung may babagay ba sa mga grades niya eh. Pasang-awa lang siya.

6. Wala siyang pera.

7. Wala pa rin siyang pera.

8. Wala talaga siyang pera.

Napangiwi siya. Oo na, wala na siyang binatbat. Pero isa lang ang alam niya, gusto niyang mag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Sa tingin niya naman, kaya niya eh. Ang kailangan lang talaga niya ay ang tumatagingting na pera. Kung nag-ayos lang sana siya sa pag-aaral niya, edi sana pwede siyang maging iskolar. Libre na tuition, may allowance pa. Pero hindi eh, nagbulakbol siya.

$_$     $_$    $_$     $_$     $_$

Pera. Pera. Pera. Nasaan ka?

"Pera, pera, pera. Nasan ka?" Nanlulumong turan niya at naipatong na lang ang ulo sa kanilang uuga-ugang lamesa.

Maingay sa lugar nila. Magulo. Madumi. Nasa looban ang bahay nila. Yung sa labasan, tipong mapapanganga ka sa linis at ganda pero pagpasok mo, para kang napadpad sa isang ghost town at mapapatanong ka sa sarili mo kung totoo ba yung nakita mo kanina o nasumpa ka lang talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Student's AppetiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon