Four years ago . . .
Harvey
Good luck sa exam week! 🙂
Napangiti ako sa message niya kahit pa 'yung scary sarcastic emoji ang gamit niya. Siguro kasi automatic na napapalitan ang ":)" sa Messenger. Pero ayun nga, hindi ako nag-repl, kahit sobrang excited ako galingan at matapos sa mga exam para finally e makapag-reply na ako. Marami na nga siyang unread messages sa Messenger, pero since nasa requests, hindi niya alam na nababasa ko pero hindi ko binubuksan.
Aaminin ko namang parang gusto ko na sumagot sa mga texts niya, pero sabi nga nila, the harder the struggle, the greater the reward. Kailangan kong pigilan ang sarili ko at mag-focus sa exams. Sobrang hirap tiisin, pero at the same time, kapag tuloy-tuloy pa rin niya akong tine-text kahit na tapos na ang exams tulad ng sinabi niya, hindi lang ako makakalibre ng dinner mula sa kanya—mapapatunayan ko pa na genuine talaga siya sa 'kin.
Dahil ayokong may mag-umpisa na alam kong hindi ko mame-maintain.
Harvey
Wag ka masyadong uminom ng kape.
Rest enough before the day of your exam. 🙂
At yung deal natin ha?
Good night. 🙂
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Natapos ang exam week, at confident naman ako sa lahat ng sagot ko sa mga exam kahit pa puyat ako kakaisip kung magre-reply na ba ako kay Harvey. Lalong-lalo na sa philosophy dahil lumabas halos lahat ng tinanong niya sa 'kin no'ng huli kaming nagkita. Sana nga lang mataas ako sa essay part.
"Mukhang masaya kayo," komento kong tatlo nang naabutan ko silang nakangiti.
"Adam asked me for a date," sabi kaagad ni Cassy. "Pero sa weekend pa."
"Mukhang talagang nag-aral lang sila sa exams nila kaya hindi rin nag-text," dagdag ni Brianne. "Magkikita rin kami sa weekend ni Stephen." Tapos nag-cross siya ng fingers. "Good luck to me! Sana he's okay."
"Ikaw, Quinn? Did Jason ask you out na?"
Tumingin si Quinn kay Cassy. "Nope. Feeling ko hindi lang talaga niya ako trip. Nag-first move na ako, ha. As in nag-text na ako. Nag-reply naman, but cold. E, ayoko ng gano'n so bye, boy."
"Correct, tama!" Pumitik-pitik sa ere si Cassy.
"Besides," dagdag ni Quinn, "mas excited ako sa family outing namin sa weekend. Nag-promise sina Ma na mag-out of town daw kami. That's what I'm excited about."
Habang nagkukuwentuhan sila, nakatingin lang ako sa phone ko, iniisip kung ite-text na ba si Harvey o kung sa weekend na lang din kaya kami lumabas. "After exams" ay puwede naman mamaya . . . o bukas . . . o next week . . . o next month. Lahat naman 'yon ay "after."
"Lalim ng iniisip?" tanong ni Brianne. "Speaking of, kayo ni Harvey?"
Napatingin ako. "M-may friendly date yata kami."
Napalapit silang tatlo sa 'kin.
"Friendly?"
"Date?"
"Yata?"
Tig-iisa sila ng sinabi, pero pare-parehong nakairap na naghihintay ng mga susunod kong sasabihin. Si Cassy ang nag-conclude, "So you replied na? When?!"
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...