Waiting In Vain

62 3 2
                                    


Kulang ang isang salita para pangalanan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Siguro nga nakakatawang isipin na sa edad kong 'to, hindi parin ako nagkaka-boyfriend. Masisisi mo ba ako kung hinihintay ko parin ang first love ko na mapansin ako? Oo. Anim na taon na. Third year highschool palang kami. Naging call center agent na ako at lahat, hindi parin ako nakaka-move on sa kaniya.

Umabot pa nga sa point na, inalaman ko ang address ng apartment niya at naghanap ng pinakamalapit na apartment dun para masigurado kong masisilayan ko siya araw-araw. But then I moved out eventually sa mahal ng bayarin. Desperada moves man, wala ng hiyaan, basta mapansin niya lang ako.

Sino bang hindi natutuwa sa pantasyang mapansin ng unang pag-ibig niya? Sa anim na taon, ni hindi niya pa ako nakakausap.

"Kumain ka na, Lianne?" tanong sa akin ng isa kong kasama na si Robbie. Madalas siya ang karamay ko sa kagagahan ko. Paminta kasi siya. Kaya ayun, kahit gaano ka-gwapo, nakakapanghinayang naman. Alam niya din ang tungkol sa kaniya. Partners in crime kami dahil siya ang umiisip ng mga plano ko.

Ngumiti ako at itinaas ang take out ko sa KFC na Italian Ala King, "Hahayaan ko ba namang magutom ang beauty ko before ako masilayan ng prince charming ko? Duh." mahinang tumawa siya, hinila ang sarili niyang swivel chair at tumabi sa akin.

"Alam mo ba.. " mahinang bulong nito, skightly leaning closer to me.

"Hindi pa, eh." I laughed when he frowned at my comeback. Alam ko namang naiinis siya kapag pinipolosopo ko siya. He pinched my arm kaya napahiyaw ako sa sakit. Sadista.

"You need to listen, isa itong malaking pasabog, babaita." tumango-tango naman ako at matiim na nakinig sa kaniya. "Si Oliver my loves mo.. Lumipat siya sa subdivision mo!"

So eto na nga. I'm standing in front of his house at the moment. It's been a week since I learned the news from Robbie. And it's been a week since I started stalking him. Nang araw na yun din, nauna ko pang puntahan ang bahay niya kaysa umuwi sa bahay ko. Yes, I'm that hopeless.

Si Oliver nga kasi ay ka-schoolmate ko noong highschool. I don't know why we never met. Siguro dahil sa hindi talaga kami meant to be? Eh, lahat na ata ng pagpapansin nagawa ko na. Nandyan pa ngang tinulak ako ng mga mahaharot kong bestfriends at nadapa ako sa harap niya, natapunan ko siya ng chocolate sa sobrang tulala, I even peed on my school skirt because I thought nahalata niya akong sinusundan siya on his way home.

Crazy stunts for your crush to notice you? Name it. Walang galawang hindi ko na nagawa sa sobrang baliw ko sa kaniya.

Ang cliche man na sabihing siya parin hanggang ngayon, ewan. Siya parin, eh. I tried dating other guys. Actually hindi naman ako bagsak sa 'looks factor'. Madami akong suitors and most of them ay may sinasabi sa buhay. That's why I never understand kung bakit siya pa din.

"Miss," nagulat ako nang ay tumawag sa akin, isang matandang babae na ang nasa harap ko. And based on her clothing, she may be a maid. Wait, maid? "Bakit ka nakatayo sa harap ng bahay? May hinahanap ka ba?"

"Ah, meron.. este wala po!" natataranta kong sagot. I can't even tell if i'm flushed. Shet, nakakahiya ka talaga Lianne! I scolded myself.

Tatabi na sana ako when I heard a beep behind me. Sa sobrang gulat at hiya ay napahiyaw ako. Napatingin ako sa likod ko kung saan mayroon ng BMW na halatang naharangan ko. I froze on the spot. Hindi dahil sa gulat o hiya, but because right there making his way out of the backseat, is him.

Kulang na lang ay gumapang ako, or better if lamunin na lang ko ng lupa. Kunot ang noong tumingin ito sa akin bago bumaling sa nasa likod ko. Great first impression, idiot! Wala na talaga kaming forever.

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon