Medyo SPG po ito. Para sa mga open minded. Hahaha.
Chloe's POV
Nagpasundo kameng apat kay mang Dante. Kasi pansin namin ni Jason na pagod na si Paowy. Kawawa naman. Tapos sabi niya, maligo daw kame at kakain kame sa labas. So ayun nga, umuwi na kame. Kinamusta ni papa at mama sila Pompom saken. Tapos ngayon, bagsak na sila sa kama nila. Di man lang muna kumain.
Naligo na ako at nagpatuyo ng buhok. You know, di naman kasi ako lumalabas ng basa ang buhok. Kase bukod sa I hate it, naaabsorb din ng wet hair and dirt and usok sa labas. Tapos imagine sasampal sampal yung hair mo na may dirt na sa face mo. Well, that's my beauty tip to you girls.
Anyway, nakita ko si Jason na topless. Ang ganda ng hubog ng katawan niya. Pwede ko kayang hawakan? Pfft! Pervert alert! He winked at me nung nakita niyang nakatingin ako sa abs niya. Siguro alam niyang pinagnanasaan ko siya. Wait, what?! Di ko siya pinagnanasaan 'no! Erase!
Nung matuyo na ang buhok ko, naglagay lang ako ng BB cream and lip balm sa face and lips ko. I should look good all the time.
Wait, maalala ko lang. Nakita ko nga pala si Zoey and Jason na naguusap kanina. Parang nagtataasan sila ng boses. Oh well, sana naman it's not that serious. But I'm still wondering kung bakit I look absolutely like her. Para kaming kambal. As in parehong pareho! Ang pinagkaiba lang, may nunal siya malapit sa bibig niya.
Bumaba na ako at nakita ko na si Jason sa sala. Nanunuod ng TV. Mr. Bean yung palabas. Ngiting ngiti pa habang nanunuod. Ang cute niya tignan! Hahaha.
"Hey!"
"What the! You scared me, babe!" Irita niyang sabi.
"Paano ba naman kase, busy ka dyan sa kakanuod mo ng Mr. Bean. Hindi mo na namalayan na nandito na pala ako sa likod mo. Siguro pagpapalit mo na ko dyan. Tss. Dyan ka na nga!" Padabog kong sabi. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya nung bigla niya akong niyakap mula sa likod ko.
"Babe, favorite ko kasi yun ehh. Don't worry, hindi kita ipagpapalit dun. Ikaw lang kaya ang mahal ko!" Tapos hinigpitan niya pa lalo yung yakap niya.
"Oo na. Fine. Tara na nga. Baka magbago pa isip ko."
"Babe, wag ka na magalit. Sige ka, kikiss kita."
"You can't." Tapos bigla niya akong hinalikan. Yung halik na parang wala nang bukas. Buti na lang at walang ibang tao dito kung hindi kame. Kung nandito si papa, malamang binatukan niya na si Jason.
"Babe..." paulit ulit niyang sabi. Hanggang sa makaakyat na kame at makapasok sa kwarto ko. Nakakaramdam na ako ng pagiinit. Feeling ko sabik na sabik siya saken. Hindi na ba kami aalis? Dito na lang ba kami? Sabi niya kakain kame sa labas.
"Babe..." mas lalong lumalamin yung mga halik niya. Nasa ibabaw ko na siya. Kakaiba na yata 'to.
"Ba-babe parang iba na yata 'tong ginagawa natin?" Tapos napansin kong tumigil siya sa paghalik sa leeg ko.
"Oh shit! Sorry babe. Di ko na napigilan yung pagiinit."
"Babe alam ko naman yun. Pwede naman natin gawin yun ehh. Basta wag muna ngayon. Kasi kakain tayo sa labas diba?"
"Pero pwedeng halik?"
"Oo naman ba–" di niya na ako pinatapos pa. Umibabaw na naman siya sa akin at hinalikan ako ng hinalikan. Parang nagaadik siya sa halik ahh?
"Babe... wag na tayo kumain sa labas. Magluto na lang tayong dalawa sa kusina niyo. Tayo lang naman ang tao dito ehh. Umalis silang lahat. Gusto ko kasing halikan ka buong araw ehh. Please..." siguro nagpaalam sa kanila sina mama. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Osige babe. Bubuksan ko lang yung aircon." Pagkabukas na pagkabukas ko ng aircon, nakita kong nasa likod ko na siya. Hinila ako atsaka hinalikan. Humiga siya sa kama ko at ako naman ang nasa ibabaw niya. Nararamdaman ko yung abs niya sa kamay ko. Nakakapa ko na. Nagiinit na ko lalo!
Lumalim pa ng lumalim ang mga halik na binibigay namin sa isa't isa. Hanggang sa mawalan na ako ng hininga.
"Babe nagugutom ka na ba? Magluto na kaya tayo?" Sabi ko sa kanya.
"Oh tara babe. Baka kase pagnasaan mo pa lalo yung abs ko." What the?!
"A-ano?!" Nauutal kong sabi.
"Babe, halata naman sayo na pinagnanasaan mo 'to ehh. Pwede mo kayang hawakan." Tapos nilagay niya yung palad ko sa abs niya.
"Babe! Magluto na nga tayo! Humiram ka muna ng damit kay kuya Trey. Basang basa na yung tshirt mo sa pawis mo." Tapos bumaba na ako sa kusina.
Naglagay na ako ng oil sa frying pan. Tapos naramdaman kong yumakap sa akin si Jason. May kasama pang kiss sa cheeks. Siya na yung nagbukas ng LPG tank.
Naghiwa na siya ng bawang pati sibuyas. Tapos nung mainit na yung mantika, nagsaute na siya. Kinuha ko na yung kaserola at nilagyan ko ng tubig. Nung kumulo na, nilagay ko na yung pasta.
Kumuha si Jason ng isa pang kaserola tapos sinalin niya doon yung bawang at sibuyas. Nung uminit na yung kaserola, nilagay niya na yung spaghetti sauce. Naghiwa kame ng hotdog at nilagay dun sa spaghetti sauce. Nung maluto na yung pasta, sinala ko na at nilagay sa plate. Hanggang sa maluto na rin yung niluluto niyang sauce. Kumain na rin kame.
"Babe thank you ha? Pinagbigyan mo ako today."
"Oo naman babe. Lagi kitang pagbibigyan 'no."
"Ang sarap mo pala kumiss babe. Pwede isa pa?" Pabiro niyang sabi.
"Later n–" tapos bigla niya na akong kiniss. Smack naman ngayon.
"Whatever, silly. Hugasan mo muna yung mga ginamit natin bago ka kumiss ulit." Tapos bigla siyang sumimangot. Tapos naghugas na nga siya.
Binigyan ko si Pompom at Paowy ng pagkain. Baka kase nagugutom na sila. Tapos umupo na ako sa sofa at nanuod ng Gravity Falls sa Disney channel. Ang cute talaga ni Mable!
"Ouuucccchhhhh! Babeeeeee!" Narinig kong sumisigaw si Jason.
"Jason! Ba't ka sumisigaw? Anong nangyare sayo?!" Habang naglalakad ako. Tapos nung nasa likod niya na ako, kiniss niya ako bigla.
"Joke lang, babe. Walang nangyare sakin. Gusto lang kita ikiss." Aba 'to! Pero I'm so glad na sakin lang siya ganyan.
To be continued...
Hello guys! Sorry sa slow updates! Nga pala, credits to @yemajigop for my cover. Vote na guys!