CHAPTER 2

156 9 0
                                    

JUSTINE'S POV:

"Oh Jessibel, wala pa ba sundo mo.."

Tanong ko sa empleyada kong naka tayo sa entrance ng building ko at mukhang nag hihintay ng masasakyan.

"Ayy hello po Sir. Kayo pala." Gulat na sabi nito.

Natawa nalang ako. Nandito din kasi ako, dahil hinihintay ko si Travis.

Kinukuha kasi ni Travis ang kotse niya sa garage.

"Paparating na po ang sundo ko Sir. May dinaanan lang po.." nakangiting sabi nito.

Kaya ngumiti rin ako. Lihim kong tiningnan si Jessibel. Bata pa ito. Mas matanda ngalang ako nito ng dalawang tao.

Ang sabi ni Ms. Emelia, fresh graduate daw kadalasan ang mga empleyado at empleyada namin. Siguro isa na don si Jessibel. Dahil bata pa ito.

Maganda ito, medyo payat pero hindi maipagkakailang sexy ito. Lalo na't hapit sa bewang nito ang paldang soot niya.

Napatingin ako sa harap namin ng biglang may kotseng tumigil. Si Travis pala.

Bumaba si Travis mula sa driver set at piagbuksan ako ng pintuan.

"Mauna na kami sayo ah. Ingat ka." Bilin ko.

Saka ako tuloyang sumakay sa kotse.

"Kayo din po Sir. Ingat din po kayo.." pahabol ni Jessibel.

"Thanks.." sabi ko kay Travis

Bago nito sinara ang pintuan. Kumaway pa saamin si Jessibel bago paandarin ni Travis ang kotse.

Habang nasa byahe kami, hawak na hawak ni Trabis ang kamay ko at panay halik.

"Umayos ka nga. Mamaya bumangga tayo diyan sa kalokohan mo.." sabi ko dito.

Natawa naman si Travis.

"I wont do that. Hindi ko naman hahayaang mangyari yon sayo at syempre sa baby natin.." sabi nito saka hinimas ang tiyan ko.

"Iwan ko sayo. Daan tayo sa mercury may bibilhin akong vitamins.." sabi ko.

At dahil maaga pa naman para sunduin ang anak namin. Kaya mamimili muna ako pati groceries.

"Okie dokie Moma." Sabi nito

Na parang bata. Natawa nalang ako.

Matapos naming bumili, dumiritso kami ng school kong saan nag aaral si Trevor.

"Hows school Baby." Tanong ko nangmakasay ito.

"School is great Moma.." masiglang sabi nito.

Napalingon ako at pinaningkitan ko ito. Dahil nasa likod ito nakaupo at kami ni Travis ang nasa harap.

"Yan lagi ang sinasagot mo sakin pag tinatanong kita.." sabi ko.

"Eh yan din po kasi lagi mong tinatanong sakin eh.." inosenting sabi nito.

Napahagikhik naman si Travis habang nagddrive.

Napangiwi ako. Ganun bayon.

"Oo nga naman Moma. Lagi nalang yon ang tanong mo. Kahit nga sino, makakabisado agad ang isasagot.." Sabat ni Travis

Abat isa pa to. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Fine.." pagsuko ko.

Nagtawanan naman ang mag ama at talagang may pag aper pa. Napahalukipkip nalang ako.

"Magandang hapon po Sir Justine, Sir Travis.." pagbati saamin ng katulong.

Napatango naman ako. Si Travis naman ay dumiritso sa kusina, dahil bitbit niya ang kahon na naglalaman ng groceries. Si Trevor naman ay nanakbo agad ito sa taas. Para magpalit.

MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book IIWhere stories live. Discover now