Ikatatlumpu't isang buwang kasama ka
Pero parang kahapon palang tayo nagkakilala
Parang kahapon lang din nung unang nagkausap
Mga kaibigan na matagal na pinangarapBawat oras at araw na dumaraan
Kayo ay palaging nasa isipan
Kahit maraming pinagkakaabalahan
Mga kulitan at kwentuhan pa rin ang kasiyahanMga simpleng salita na nais ipabatid sa inyo
Nilalaman ng puso't isip ko
Sana makarating sa inyo
At magustuhan ang tulang inilaan para sa inyoHindi man ako kasing perpekto tulad ng iba
Pero kaya ko kayong pahalagahan sa abot ng aking makakaya
Dahil isa na kayo sa importanteng tao sa buhay ko
Na nais kong makasama hanggang pagtanda koMaraming maraming salamat
Sa tatlumpu't isang buwan na tawanan at kulitan
Nawa'y tumagal pa ating pagkakaibigan
At umabot sana tayo ng walang hangganSa kahit ano mang unos man ang dumaan
Ating pagkakaibigan ay hindi matitibag
Kahit sino pa man ang bumangga
Dahil malalim na ating pinagsamahan