makalipas ng ilang araw na mangyari ang insidente na hindi ko inaasahan......
Naalala ko pa nun bago ka mangyari yun
tinanggihan ko sya na magpakasal
December 2, 2014
Sa Bahay ni Alex
7:00pm
"Briana will you marry me "- mga salitang gustong gustong marinig ng kahit na sinong babae
"Bakit ngayon Alex kung kailan maraming mga opportunity na dumadating kung kailan mas naging umaasenso na " - tinabig ko yung singsing na dapat ay isusuot na nya sa akin pero hindi ko akailan na masasabi ko yun
"Ano ? Tama ba ang narinig ko ? Alam mo ang gusto ko lang naman makasama ka habang buhay pero mukhang mas importante pa yang mga opportunity na yan kaysa......"- hindi na nya naituloy pa ang sasabihin nya dahil umalis na ako
Paglabas ko nun hindi ko inaasahan na umuulan ng malakas
At hindi ko namalayan na may papalapit na sasakyan nagulat na lang nang may tumulak sa akin at bigla akong bumagsak sa semento
Nagising ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng ambulansya
Nang tumayo ako , nagulat ako sa nakita ko , may isang lalaki na binubuhat ng mga tao
Ang lalaking yun ay si Alex ,agad ko siyang nilapitan takot na takot ako nung makita ko siyang dugoan at hinawakan niya ang mukha ko at sinabing
"Briana pasensya na kanina , Im sorry
Alam mong mahal na mahal kita......"- mga huling salitang nagpawasak sa puso koI should be the one who's saying sorry ,ako dapat alex , ako
Pero hindi na siya umabot sa ospital
Hindi ko mapigilang tumigil sa pagiyak sa tuwing maaalala ko yun at sa tuwing makikita ko ang sarili ko hindi ko maiwasang sisihin ng paulit ulit ang sarili ko
Ng dahil sa akin ng dahil sa mga ginawa ko at sinabi ko ay ngayon wala na siya
Tama nga ang sabi nila na
Nasa huli ang pagsisisi
Sa sobrang pagiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog ako
Paggising ko pumunta ako sa isang espesyal na park dahil dito ang paborito naming puntahan at dahil dito kami unang nagkakilala
Agad ako umupo sa isang bench kung saan kami madalas na umuupo
Sa di kalayuan may nakita akong lalaki na mukhang pamilyar sa akin , alam kong hindi ako nagkakamali na sya yun
Tumulo na lang bigla ang luha ko hindi pwede akong magkamali na sya yun ...................
Na si Alex yun.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya
Hindi ko maalis lang mata ko sa kakatitig sa kanya na tama ba ang nakikita ko ?
"Miss ? Okay ka lang "- bigla akong natauhan sa sinabi nya
Boses ni Alex yun sya talaga si Alex
Ngumiti na lang ako sign na okay lang ako
Agad kong nakita yung asong hawak nya
"Sofie !!! Miss na kita kamusta ka na ?"- sabi ko sa aso nya sofie ang pangalan ng aso ni Alex
"Miss sino ka ba ? Bakit mo kilala si sofie ? "- isang pagkakataon na lang alam kong siya talaga si Alex
"Miss maiwan na kita dyan hindi ka naman sumasagot "- sabay alis nya
Umalis na sya at sinundan ko sya para malaman ko kung totoo
Nang makita ko ang bahay na pinasukan niya , hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na si Alex talaga siya
Kaya pumasok ako sa bahay niya
"Miss ikaw nanaman ? "- pero hindi nya ako kilala
Ang nararamdaman ako ngayon ay parang bumalik ako sa past ko kung san hindi niya pa ako kilala
Kung totoo man na bumalik ako sa past okay lang magkakaroon ng pagkakataon na magkasama kami ulit
Pero sana hindi na niya ako makikila para sa pagdating ng kasalukuyan hindi na mangyari ang insidente na naganap
At hindi niya maramdaman ang sakit na binigay ko sa kanya
"Ay sorry kailangan ko kasi ng model para sa painting ko "- yan na lang ang nasabi ko
"Sorry miss wala na akong interesado sa ganyan "- tatalikod na sana siya ng banggitin ko ang pangalan niya
"Alex please ........."- bigla ko na lang nabanggit ang pangalan niya na dahilan ng pagtigil niya
"Kilala mo ako ?"
"Ah eh nakita ko lang sa labas "
"Hindi nga kita kilala dyan eh tapos magpapamodel ako sayo ?"- ngayon miss na miss na kita alex kung pano nakakunot yang noo mo sa tuwing kukulitin kita
" okay ako - ako si ana "- briana, Alex ako yung girlfriend mo at dapat asawa mo pero.....
"Sige na sige na ang kulit mo "- sagot nya sakin
Hayy alex hindi mo alam kung gaano kita kamiss
"Si- sige bukas na tayo magsimula at pwede dito muna ako tumuloy "
"Kapag lumapit sayo si sofie papayag ako"- hamon niya sa akin
Alex ako hinamon mo eh nung una palang gusto na alo ng aso mo haha
"Sofie sofie come !"- tapos yun bigla na lang sumampa sa akin yun Aso
"So its yes ?"- silence means yes
BINABASA MO ANG
Missing you
Short StoryPaano ako makakatulog , kung alam ko sa pagising ko hindi na kita makikita sa tabi ko at hindi ma kita pwedeng makasama pa.......