Nagising ako ng dahil sa malakas at paulit ulit na pagtawag sa akin ng aking ina.Tang*na naman ohh. Ang aga aga walang tigil ang bunganga.
"Ano ba!? Alam nyong natutulog pako e. "maktol ko
"Di ba may pasok ka pa. Bumangon kana dyan at mag almusal kana. Hinanda ko na din ang yuniporme mo. " sabi ng aking ina habang pinupulot ang mga nagkalat kong libagin sa sahig
"Tinatamad akong pumasok, tsaka isa pa wala din naman kayong maibibigay na pambaon sa akin.
"Gigisingin ba naman kita kung wala akong maipapabaon sayo. Syempre meron. Nakuha ko na yung sahod ko sa paglalabada. Kaya bumangon kana dyan at mag almusal kna para makapag gayak na rin.
Agad akong napangise.
Tamang tama, may lakad nga pala kami ngayon ng mga tropa ko. Pupunta kami sa kabilang baryo para dumayo ng basketball.
Dali dali na akong bumangon at kaagad na naglinis ng aking sarili. Nagsuot na rin ako ng uniform para mukang papasok talaga ako sa eskwelahan pero syempre may baon akong pamalit.
"Bwiset na yan. Akala ko ba nakuha nyo na yung sahod nyo sa paglalabada, pero bakit tuyo parin ang ulam? " palagi na lang tuyo walang kasawaan. Tang*inang buhay yan
"Nakapagluto na kase ako bago ko nakuha sahod ko. Pag tyagaan mo na yan at mamaya na lang ako magluluto ng paborito mo. " nauubo pang sabi ng aking ina
"Akin na yung baon ko. Di na lang ako kakain nakakawalang gana.
Kinuha ng aking ina ang isang daan sa bulsa nya at kaagad na iniabot sa akin.
"Kulang to, magloload pa ako tas may ambagan pa kami sa school. Dagdagan nyo pa ng isang daan. " pagpupumilit ko, pamusta din kase yun sayang
"Iisang daan na lang tong natitira sa sahod ko nagbayad pa ako ng utang kay na Selly. " nauubong sabi nya sa akin
"Di ba maglalako naman kayo mamaya, hayaan nyo na sa akin yan kesa naman hindi ako makaambag sa mga kagrupo ko at hindi ako makapag load. " sa madaling salita ay napilit ko din sya na ibigay sa akin ang karagdagang isang daan
"Mag iingat ka ha. Umuwi ka kaagad at wag ng tumambay kung saan saan. " bilin nya sa akin habang naglalakad ako papalayo
Asa namang uuwi ako ng maaga. Wala namang gagawin sa lintek na bahay na yan. Nakakainip lang.
_____________________________________________
Ngayon ay 10:23am na at nandito na kami sa lugar ng antayan.
"Ohh nasan si Alex? " tanong ko sa mga tropa ko
Si Alex ay ang girlfriend ko at magdadalawang buwan palang kami.
"Nabili ata ng yosi Pre. " sagot naman ni Wesley
"Sinong kasama? " dagdag kong tanong
"Si Dave. Palagi naman. Para ngang sila ang mag syota e. " natatawang sagot ni Casper
"Tang*na ka manahimik ka, pagka ganitong masama ang timpla ko e. " suway ko sa kanya na malma nya namang ikinatawa
Pero tama naman itong si Casper. Palagi ngang magkasama si Dave at Alex. Pero syempre alam ko naman na tropa lang sila. At alam ko naman na walang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Ohh andito na paa sila e. " puna ni Gerson kina Alex at Dave
"Mahal kanina ka pa ba? " salubong sakin ni Alex habang nagbubukas ng kaha ng yosi
"Babago lang. " napuna ko naman kaagad ang pasa nya sa braso katabi ng kanyang tattoo. "Napaano yang pasa mo? " tanong ko habang hinahawakan at sinusuri ang braso nya
YOU ARE READING
Nasa huli ang Pagsisisi
Short StoryTama nga ang sinasabi ng karamihan, na habang na sayo pa ay matuto kang magpahalaga. Habang kasama mo pa ay sulitin mo na kasi once na nawala na di kana makakabawe pa at di mo na maibabablik pa ang mga panahon na nakalipas ng kasama mo sya.