Part 14: Kidnapped

9.8K 153 1
                                    

Dedicate ko lang po ang chapter na to sa baby girl ko. Siya at ang kabaliwan niya kasi ang naisip ko yung sinulat ko ang chapter na ito. ^___________^

-REDShuffy

*********


"A-ate J-jianna-h h-help... k-kidna-ppe-d!"

Pahirapan kong sabi bago ako nawalan ng malay.

-

"Aray, ang sakit ng ulo ko. Ano nga bang nangyari?"

Oo nga pala! Nakidnapped ako!

Bakit ang dilim? Ay tanga!

Nakapiring pala ako. Pati yung mga kamay at paa ko itinali rin nila.

Ano bang kailangan nila sakin? Wala naman akong mga kaaway eh. Tsaka wala rin naman mga kaaway si daddy. Mabait kaya siya.

Si Red kaya? Baka may mga kaaway si Red tapos ako ang napagdiskitahan ng mga kaaway niya.

Naku! Masasapak ko talaga si Jarred niyan. Pero sa ngayon, dapat makaalis muna ako rito.

"Hoy! Kung sino man kayong kumidnap sakin, pakawalan niyo na ako. Wala naman kayong mapapala sakin eh. Wala akong pera pambayad sa inyo."

"Ok lang yan miss. Ikaw nalang ang pagtatyagaan namin. Mukhang masarap ka naman eh."

Yuck!! Ako daw masarap? Manyak yata to eh. Naku!

"Naku koyyah! Hindi po ako masarap pramis! Tsaka, pede bang pakitanggal naman tong piring ko sa mata. Ang hirap kayang makipag-usap ng may piring sa mata. Try mo koyyah!"

"Yun lang pala eh. Weyt lang!"

Pagkatanggal niya sa piring ko sa mata, parang gusto ko na ulit magpa piring ulit.

Hindi naman sa nang-iinsulto ako ah. Kasi yung hitsura ni koyyah!

Nakaka... KILABOT! Para siyang trying hard maging gangster na hindi naman.

Hindi naman siya mataba. Ang payat nga niya eh. Nasobrahan sa payat. Tapos yung mukha niya, ang daming pimples.

Tapos, tapos, yung mga ngipin niya. Ilang buwan kaya siya hindi nakapag toothbrush?

Naglagay pa kunyari siya ng bandana sa ulo eh parang nagmukha pa siyang albularyo sa ginawa niya eh.

Yung suot pa niyang damit, ang totoo koyyah? Kidnapper ka ba talaga o palaboy sa kalye?

Naku! Naku!

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Sa tingin ko nasa isang bodega ako.

Maraming mga karton sa paligid. Tsaka nagkalat ang mga supot ng mga supplies.

Medyo madumi rin ang paligid. Mabuti at maliwanag na ang lugar. May bombilya ang bodega na siyang nagsisilbing liwanag samin ngayon.

Nag-iisa lang si koyyah na nagbabantay sakin ngayon. Asan kaya yung mga kasama niya?

Watda! Hinanap ko pa talaga sila noh? Naku! Nasisiraan na yata ako ng bait.

Hala! Bakit ganito makatingin si koyyah? Parang hinuhubaran niya ako? Waaaahh!

Dapat pala talaga nag-aral na ako ng kung ano-anong mga martial arts eh. Hindi ko nalang sana tinatakasan yung mga sessions ko nung bata ako.

"Ang mabuti pa miss, paligayahin muna kita habang hindi pa dumarating si boss."

Hanu daw? Paligayahin? Tsura nito!

"Ahh, koyyah! Salamat nalang pero maligaya na ako."

"Talaga miss? Edi dagdagan ko nalang ang ligaya mo. Yung tipong aabot ka sa heaven."

Juicemiyomarimar! Heaven your face!

"Not thanks kuya."

"Sige na miss. Hindi mo na nafe-feel? Parang umiinit ang paligid."

Feel ko koyyah! Umiinit nga!

UMIINIT ULO KO SAYO!

"Ang lamig nga koyyah eh. Hehe"

"Ganun ba? Gusto mo painitin kita?"

Walanjo!

"NEVER! Grrr!"

"Aba't-"

"Hep! Hep! Koyyah, ayoko nga diba? Hindi ka ba talaga nakakaintindi ng tagalog? Gusto mo englishin ko para maintindihan mo?"

"Anong tingin mo sakin? Hindi walang pinag-aralan?"

"Wala akong sinasabi~lalala"

"Ikaw na babae ka. Malapit na talaga akong mapuno sayo!"

"Bakit ka naman mapupuno koyyah! Balde ka ba at tubig ako? Isip isip rin pag may time koyyah! Hahahaha"

Namumula na siya sa galit. WAHAHA!

Ayan kasi. Wag mo subukan ang pasensya ko. Iba ako magalit.

Pero papano ako makakalabas rito?

Mukhang walang tutulong sakin eh. Si ate Jianna baka akalain niya nauna na akong umuwi sa kanya.

Tsaka ang higpit ng pagkakatali sakin. Hindi ako makakaalis ng buhay rito.

Waaaahhh! Jarred Villanueva tulungan mo ako.

Iiyak na talaga ako.

"Ano miss, papaligayahin na kita. Sayang naman ang gabing ito kung hindi kita matitikman."

"Naku koyyah! Hindi talaga ako masarap. Kaya please pakawalan mo na ako."

"Hindi pwede miss. Sumunod ka nalang."

Unt-unti siyang lumalapit sakin. Umupo siya ng kunti para magkapantay kami.

Hinawakan niya yung legs ko. Pilit akong nagpumiglas. Manyak!

Unti-unti ring lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.


Papa God, alam ko po isa akong makulit at pasaway na tao pero kung ito po ang magiging katapusan ko, sana naman ang asawa ko nalang ang manggahasa sakin. Matatanggap ko pa po yun! Pero dahil nga po sa hindi naman ito ang asawa ko, pwede po bang humingi ng tulong? Kahit anong tulong po. Pwede po kahit na maghulog kayo ng isang malaking bato mula sa taas tapos mahuhulog sa mismong ulo ng lalaking ito. Pero masyado naman po yung brutal. Tigok agad si koyyah. Kawawa naman. Magpadala nalang po kaya kayo ng ahas tapos tutuklawin si koyyah. Ayy! Wag nalang pala. Takot po pala ako sa ahas. Baka tuklawin din ako. Basta ikaw na po bahala papa God! Thank you po! Amen.


Dinilat ko ng kaunti ang mata ko.


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!"



——-


(Author's Note)

Oh noh! Katapusan na ba to Lex? Hindi na ba niya makikita pa ang kanyang asawa?


^________________^


Well, abangan nalang natin..

Substitute Groom [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon