Chapter 13

26 4 0
                                    

Justin's POV

July 7.

Ngayong araw na ang birthday ko. Nagising ako sa ingay ni Diko at Kuya CJ, katok pa ng katok sa pintuan. Pagbaba ko naman ay amoy na amoy ko ang bango ng hinandang breakfast ni Mama. Nasa dinning table na rin si Daddy at nagkakape. Nakareceive ako ng greetings mula sa kanilang lahat.

Pagkatapos ng breakfast ay nagcheck ako ng social media. Ang daming post na gawa ng A'TIN para igreet ako, hindi ko na mareplyan lahat pero thankful ako sa kanila. Nagrepost ako sa IG story ng mga greetings ng close friends ko at iba pang staff ng ShowBT.

Hindi lang yata A'TIN ang hopia ah, parang ako na rin. Sino ba naman ako para igreet ng napakabusy na PPOP Artist/Actress sa bansa. Ang unfair ko siguro sa mga taong nagpapahalaga sa birthday ko dahil may iba pa akong hinahanap. Pipilitin ko na lang na hindi isipin 'to.

"Aalis na tayo, Bujah." Tawag sa'kin ni Diko.

Nasa malapit na resort lang naman ang celebration ng birthday ko. Mauuna na kami do'n sa ibang bisita para masigurado ang setup.

Si Diko ang nagdrive habang nasa front seat si Daddy. Pinagitnaan naman namin ni Kuya CJ si Mama.

"Happy na birthday pa.." Pakantang bati ni Stell sa'kin nang dumating siya. Malapit na rin ang lunch time.

"Akalain mong nagbibirthday ka pala, edi happy birthday!" Pabiro pang nag-greet si Ken, kailangan yata maangas sa lahat ng bagay.

Magkasama na silang dumating ni Stell, mabuti naman para hindi na siya late. Hahaha!

"Happy birthday, Jah." Si Josh naman ang sunod na bumati. Halos magkasunod lang naman silang dumating.

"Happy birthday, Justin." Huli sa apat nakarating si Sejun dahil galing pa siyang Cavite -- 'yong nasa mga ngipin. Hehe.

May mini program pa silang nalalaman after naming magpahinga nang matapos mag-lunch, naging host namin si Ate Rappl. Ginawa ba namang pang seven years old ang birthday ko.

Bandang 4:00PM na nang nagbigay ng greetings ang mga nandito, para naman akong nagdebut nito. Pero nakakatuwa dahil sa bawat messages nila, narerealize ko na malayo-layo na rin pala ang narating ko dahil pinursue ko 'yong passion ko.

".. Nasa'yo naman na yata lahat, dapat nga di na ako bumili ng gift eh. Ay! May kulang pala, pero malay na'tin makahabol." Ang haba-haba na ng litanya ni Stell, parang hindi ko na nga naiintindihan. Tumatawa naman ang iba naming kasama. "Happy birthday ulit, Jah." At sa wakas ay binitawan na ni Stell ang microphone.

Bandang 6:00PM ay naglilipit na ang mga staff ng resort sa place na nirent namin. Unti-unti na ring nagpapaalam ang mga bisita para umuwi.

Napansin ko namang nagbubulong-bulangan ang apat may hindi kalayuan sa'kin. Hindi pa nga yata napansin na nandito ako. Sumisecret yata sa'kin ang mga 'to eh.

"Binigay nga sa'kin 'yong number pero hindi naman sumasagot sa tawag. Super busy talaga yata." Bulong na ni Stell 'yon pero narinig ko naman.

"Sigurado ka bang may load ka pa, Dre?" Sabat pa ni Ken. Kita ko kung paano siya tignan ng tatlo na para bang naubusan na ng pasensya. Natawa tuloy ako. "Ang OA niyo." Dagdag pa ni Ken nang makita ang reaction ng tatlo.

"Oh, Jah.. nandito ka pala." Sabi ni Josh nang mapansin ako. Medyo kabado, halata sa boses.

Akalain mong kinakabahan ang maangas na Josh.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now