Chapter 39

2.3K 35 0
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwalang nabuksan ko ang cellphone nito. Bumabalik pa rin sa aking isipan ang sinabi nito noong nag-usap kami tungkol dito. Nanginginig pa ang kamay ko habang nagtitipa ng mensahe kay Mal. Hindi ko maipaliwanag kung saan nanggaling itong kaba ko. Sa takot ba na puwede akong mahuli ni Raven dito o dahil sa nalaman ko.

Parang unti-unti akong napapaniwala sa mga sinabi nito. Paano kung totoo iyon? Paano kung seryoso ito, tapos hindi lang ako naniniwala dahil sa takot na nararamdaman ko? Paano kung hindi niya talaga ako niloko? Ilan iyan sa mga pumapasok na katanungan sa aking isip.

"Frey..." Napahinto ako at mabilis na tumingin sa pintuan. Nakita ko si Raven nakatingin sa akin. Halata sa reaksyon nito na hindi ako inaasahang makita rito. Tanging short lang suot nito, habang ang shirt nito ay nakasabit sa kanyang balikat. Basa ang buhok nito at may tubig na tumutulo.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong nito. Napatingin ito sa aking hawak. Mabilis itong lumapit sa akin at inagaw ang kanyang cellphone. Napayuko naman ako dahil kahit hindi ko sasabihin sa kanya ay sobrang halata naman ako.

Tiningnan ko ito at abala ito sa pagtingin sa kanyang cellphone. Mukhang nakahinga ito ng maluwang nang walang makita saka tiningnan ako. "Sino ang gusto mong tawagan o kontakin?" seryosong tanong nito.

"Wala," maikli kong sagot. Mabuti na lang talaga at nabura ko iyong message ko kay Mal. Kung hindi baka makita niya ito at magalit. Baka ilipat pa ako nito sa ibang lugar. Nagbabasakali na talaga akong mabasa niya ito at puntahan agad ako. Ito na lang talaga ang tanging pag-asa ko para makaalis dito.

"Talaga ba? Baka gusto mong kausapin si Martin? Ganoon mo na ba siya ka miss?" mapait nitong tanong sa akin. Hindi ako sumagot o umiling man lang. Hinyaan ko siya kung ano ang iisipin niya sa akin.

"Anong meron sa gago na 'yon, Freyja?" naiirita nitong tanong, pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Wala naman ako balak aminin sa kanya na si Mal ang sadya ko at hindi si Martin. Baka kapag nalaman niya ay ilipat niya ako sa ibang lugar.

"Bakit hindi ka makasagot, Freyja? Ano ang nakita mo kay Martin?" mariin na sabi nito at humakbang palapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, pero nanatili pa rin akong tahimik. "Tell me, Freyja," saad nito, pero umiling lang ako at humakbang saka siya mabilis na nilagpasan.

Pero hindi pa ako nakalayo ay hinawakan na ako nito upang pigilan. Mahina ako nitong hinila, at napasinghap ako sa sumunod na ginawa nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman ko ang kanyang mainit na labi. Nang bumaba ang halik nito sa aking leeg ay buong lakas ko itong tinulak at nagmamadaling lumabas.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko itong ni-lock at napahawak ako sa aking dibdib. Hinabol ko ang aking hininga. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit nitong labi na dumampi sa aking labi.

'Fuck! Fuck! Fuck!' malutong na mura ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung saan ako maiinis, kay Raven ba or sa sarili ko, dahil sa nararamdaman ko ngayon. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa pintuan. Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa labis na inis.

Tumigil ka Freyja!

Fuck! Bakit hindi maalis sa aking isipan ang ginawa ni Raven? Bakit sa tuwing maalala ko ito ay mas bumibilis ang tibok ng aking puso? Hindi na talaga ito maganda para sa akin. Sa huli ay ako rin ang magsisi at masasaktan dahil sa nararamdaman ko. Ako rin ang mahihirapan tulad noon.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na lang na nakayuko habang yakap-yakap ang aking tuhod. Madaling araw na nang magising ako at sobrang sakit ng aking likod dahil sa posisyon ko. Naisipan kong bumaba muna upang uminom ng tubig.

La Costra: Perilous Clandestine ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon