CHAPTER 5
•••
SELENE'S POVIT HAS been two weeks since I left home. And in those two weeks, Tito never bothered me or forced me about our conversation. I haven't received any messages filled with curses and hurtful words. Even his usual threat of disowning me if I did something wrong never came. I don't know if Tito has already accepted that I really don't want to get married or if he's just letting me think about it.
Pero alinman doon ay hindi ko alam kung babalik pa ba ako ng bahay. Sa dalawang linggong pananatili ko sa condo ng kaibigan ko ay minsang pumapasok sa isip ko na bumili ng condo at doon na lang manatili hanggang sa magkaroon ako ng permanenteng trabaho.
Mahal pero kaya ko namang gastusan hangga't may pera ako. Alam ko namang gumawa ng paraan kaya hindi mahirap para sakin na maghanap ng trabaho.
Sa loob ng dalawang linggo ay paminsan-minsan akong tumatawag kay Manang Norma o di kaya kay Tita. Nag-uusap, nagku-kumustahan at kung minsan ay nagkwe-kwentuhan. Pero madalas isingit ni Tita ang tanong na 'when will you go home?' na madalas ko namang sagutin ng 'I'm not sure'.
Siyempre, kahit naiinis ako, kinakamusta ko pa rin si Tito kay Tita at palagi niyang sinasabi na palagi raw busy ito sa paghahanap ng makakasusyo para sa kompanya. Ang huling balita ko ay iilang empleyado na lang ang nanatili sa kompanya na ipinagpa-pasalamat ni Tito.
I'll admit that I sometimes feel sorry for the company that's about to collapse. How could I not? Despite Tito's hurtful words, it was still him and his company that fed, educated, and provided for me. Sometimes, I can't help but think that if I had signed the marriage contract, Tito wouldn't be struggling right now. But I dismiss that thought because I'm not yet ready for what he wants to happen.
Siguro sa paningin ng ibang tao, selfish ako dahil hindi ko man lang magawa ang bagay na gusto ni Tito at wala akong utang na loob. Pero papaano naman ang gusto ko? Ang kalayaan ko? Ang kalayaan kong mabuhay nang hindi umaasa sa pera ng ibang tao. Ang kalayaan kong gawin ang mga bagay na gusto ko nang walang ibang humahadlang.
Gusto kong sumaya dahil nagawa ko ang mga bagay na gusto ko. Gusto kong maranasang mamuhay ng malaya. Yung walang kokontra at sisira. Yung hindi iniisip ang utang na loob sa iba.
Nabalik ako sa huwisyo nang maramdamang may tumapik sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Nadia na nakatingin sakin, nakakunot ang noo.
"Ayos ka lang? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Kanina ka pa bumubuntong hininga. Naiirita na ko."
Napalingon ako sa mga customers at kina Vino at Gigi na parehong nagliligpit ng mga tasang nagamit. Saka ulit tumingin sa kanya. "Balak kong bisitahin si Tita mamaya. Medyo miss ko na kasi siya."
"Bakit kasi umalis ka pa ng bahay ninyo? Kung may hindi kayo pagkaka-intindihin ng Tito mo, pwede mo naman siyang dedmahin na lang at magpanggap na hindi siya nag-eexist."
Nag-iwas ako ng tingin saka bumuntong hininga. Ikinuwento ko kay Nadia ang pagtatalo namin ni Tito noong nagdaang gabi habang kumakain kami ng gabihan. Sinabi ko lang sa kanya ang pagtatalo namin at hindi ang dahilan. Ayokong sabihin sa kanya ng tungkol sa marriage contract, lalo na ang tungkol kay Czairex. Kilala ko si Nadia, baka kung babanggitin ko pa sa kanya ang marriage contract at galing yun kay Czairex ay biglang um-oo na animo'y siya ang magpapakasal.
"Aalis din naman ako nang bahay once na lumabas ang resulta ng board exam. Napa-aga lang talaga ang pag-alis ko dahil sa pagtatalo namin ni Tito."
"Kailan ba ang labas ng resulta?"
Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Pero ang alam ko this month lalabas ang resulta."
"E 'di kapag lumabas na ang resulta ng board exam aalis na kayong tatlo nina Vino at Gigi?" Saka siya ngumuso. "Ako na lang mag-isa ang maiiwan dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/330402950-288-k965097.jpg)
YOU ARE READING
The Billionaire's Obsession [🔞]
General FictionSERIES #1: [COMPLETED] CZAIREX and SELENE WARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK!