CHAPTER 2: Buena Familias

4.7K 195 43
                                    

Chapter 2: Buena Familias

"Pssst kain na tayo." Nilingon ko si Pixie nang kinalabit niya ang balikat ko habang nagcecellphone ako dito sa loob ng classroom.

Natawa naman ako at tumango kaya masayang tumayo siya.

"Wil, kakain na kami, di ka sasabay?" Tawag nito kay Willa na kausap ang iba naming kaklase.

"Sasabay." Sagot niya at nagpaalam na sa mga kausap.

Sabay na kaming lumabas at naglakad papunta sa West canteen. Iyong pinakamalapit lang na canteen. Kung sa main canteen naman kasi, malayo pa. Sa back corridor kami dumaan para mas malapit. Ang dami nga lang students dahil mas malapit at hindi ka  maiinitan. May eco park sa pagitan ng departments ng CAS at CBPA.

"Hi, Fin." iilan sa mga kakilala ko ang bumati saakin na nginitian ko naman. Iyong iba familiar lang ako pero hindi ko alam ang name.

Huminto pa kami saglit dahil siksikan. Malaki naman ang space ng main hall papuntang West Canteen pero mas pinipili ng mga students ang daan dito.

"Kakain na kayo?" Tanong ni Time nang makasalubong namin siya. Kaibigan ko siya sa CBPA, iyong hiniraman ko ng laptop.

Tumango naman ako. "Ikaw?"

Umiling naman siya. "Nah. Mauna na kayo may next class pa ako." Nakasimangot na sabi niya kaya natawa kami bago nagpaalam na.

Time Latimore ang full name niya. Isa rin ang pamilya niya sa mayayamang pamilya dito sa Salem City. Ang mga Latimore ay kilala rin bilang respetadong pamilya dahil sa mga mabubuting ginawa nila at mga ginagawa para sa ibang tao.

Pagpasok namin sa West canteen ay marami pang walang tao sa mga tables. Bukod sa may Apat na Canteens, ang West, East, North and South Canteens ay merong food court malapit sa campus park na mas kadalasang dinadagsa ng mga students o kahit na Professor at staffs. Affordable kasi at masarap rin. Mga vendors na outsiders pero pinapayagang magtinda ng schools as long as may pinermahang contract na dapat sumunod sa patakaran ng schools. Wala nang taxes na kinukuha ang schools dahil tulong na rin nila iyon sakanila.

Bumili na kami ng pagkain namin bago pumili ng table. Open ang West Canteen kaya hindi na kailangan ng aircon. Mula rito sa pwesto namin ay kita namin ang mga naglalaro ng soccer sa field.

"Ang cool talaga ni Syxth." Manghang papuri ni Wil kay Syxth.

Syxth Costallejo. Ang pumapangatlong pamilya na pinakamayaman dito sa Salem. Sumusunod sila sa pamilyang Latimore habang mananatiling nangunguna ang pamilyang Valle d'Aosta.

Ang pamilyang Costallejo, Latimore at Valle d'Aosta ay tanyag sa tawag na 'Buena Familias'.

Naging usap-usapan pa noon sa buong  City nang malaman nilang dito sa paaralan ng mga Valle d'Aosta mag-aaral ang anak ng mga Costallejo at Latimore.

Kumain na ako habang pinapakinggan nalang na mag-usap ang dalawa. Hindi naman nila ako kinukulit dahil alam nilang tahimik ako kapag kumakain.

Mas nauna akong natapos sakanila at hindi na nakakagulat pa dahil lagi naman.

" How's work?" Napalingon ako sa boses na 'yon at nakita ko si Ma'am Rayhana kasama si Prof Ynah na Professor namin sa CHEM 102 and si Madison Cervantes na schoolmates namin na asawa nang isa sa Valle d'Aosta.

Nakaharap saakin ang pwesto ni Ma'am Rayhana at Madison kaya nang mapansin ako ni Madison ay ngumiti siya saakin na tinugunan ko naman. Hindi naman kami close pero may mga interactions narin kami. Bukod kasi sa lagi niyang kasama ang mga Valle d'Aosta ay bihira lang din siya kung makipag-usap sa ibang tao.

Mystery Strings (Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon