Part VII

639 26 3
                                    

Lumipas ang isang linggo at nakabalik na ako sa bahay ni Nigel kasama si lieutenant. Wala namang naging balita tungkol sakin as 'wanted' dahil pagkalipas ng tatlong araw pinaalam sakin ng mga katrabaho ko na naayos na ni Madam ang kaso.



Nagulat sya ng buksan ang pinto. Napaatras ng apat na hakbang na pautal-utal na nagsalita, iniisip na baka may gawin kaming hindi maganda... at kung bibigyan nga ako ng pagkakataong buweltahan siya gagawin ko kaagad. Pero para sa sariling dangal, kukupkupin ko lahat ng mapaghiganting sakit.



Tumingin ako kay Lt. at sumaludo siya bago umalis.



Gusto niyang mag-apologize sa mga nangyari, may nagmamaka-awang tingin na wala sana akong gawin na ikakalugmok niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan ng may matalim na tingin.




Napaupo siya sa sofa at doon tuluyan ko na siyang nilapitan. Umupo rin naman ako sa lamesitaat dahil hindi ako pwedeng magsalita, sa galit ko'y tinadyakan ko ang sofa at sinuntok ng buong lakas ang lamesita.



Tumaob ito kasama siya, hingal na hingal akong tumayo. Gusto kong sumigaw, para maalis ang lahat ng galit. Ang pagpapapanggap ko bilang may kapansanan ang nagpapabigat pa ng aking nararamdaman.




Nagkaroon ng katahimikan, pinagpawisan kaming pareho. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanya ng sirain ko ang kanyang mamahaling furnitures.



Dumiretso nalang ako saking kwarto at doon nagpakalma sa sarili. Isang oras matapos maging mahinahon ay lumabas na ako ng kwarto para gawin ang gawain bilang kasambahay at alisin sa unit ang mga sirang furnitures.



Wala na siya sa bahay. Nagiwan siya ng note na may ticket sa isang concert.



"Hindi ko alam kung paano ako mag-aapologize sayo bro, pero sana pumunta ka sa concert ko ngayon. Pagkatapos kasi ng concert, balak kong ilibre kang kumain sa labas kasama ang bandmates ko."



Tss- hindi ako yung tipo ng tao na mahilig kumain sa labas lalo pa't kung ang mga kasama ko ay di ko kilala. Bahala na sya.



Biglang tumawag sa telephone ang kanyang ina para isama ako sa swat team and security personnel sa gaganaping concert. Wala akong magawa kundi pumunta sa event na yun.



Nilinis ko muna ang bahay, inalis ang sirang gamit at tumawag sa furnitures & fixtures shop para umorder ng babagay na replacement na sala set. Late ako ng 1hr 30mins. sa gabi ng concert dahil nga sa pag aayos sa bahay. Hindi na sana ako papapasukin dahil puno na ang colesium, nakadamit viewer lang at walang special ID na working as personnel at naiwan q pa ang ticket na bigay saking pagmamadali,buti nalang nakita ako ng katrabaho ko at pinapasok ako.

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon